ENTREPINOY ESPESYAL

ESTUDYANTE NG SENIOR HIGH, NAGTITINDA NG TAHO.

[Ni Sid Samaniego]

TANZA, CAVITE: Hindi ang suot niyang unipormeng puting polo shirt at pants na itim, na nakasapatos at suot ang shoulder bag na puno ng gamit sa eskwela ang lubhang nakatawag-pansin sa akin.

Kundi ang dalawang baldeng stainless na may lamang taho, arnibal at sago na pasan-pasan niya gamit ang pingga na gawa sa kawayan na ilalako niya sa loob ng mismo ng eskwelahang kaniyang pinapasukan.

Siya si Gurprit Paris D. Singh. Mas kilala sa palayaw na “Gopi”. Ipinanganak sa Cebu City noong Dec. 10, 2005. May lahing banyaga si Gopi. Pinay ang kanyang ina habang isang Indian National naman ang kanyang ama.

2018 nang dumating sa Cavite ang pamilya ni Gopi. Silang dalawa na lang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay.

Kasalukuyang grade-11 si Gopi sa Tanza National Comprehensive – Senior High School at kumukuha ng kursong STEM.

Madaling-araw pa lamang ay gising na si Gopi upang ihanda ang paninda niyang taho. Mismong ang kanyang ina ang nagluluto ng arnibal at sago na nilalahok sa malinamnam at mainit-init na paninda niyang taho.

Mula sa Brgy. Mulawin kung saan naninirahan ngayon si Gopi nagsisimula ang paglalako at paglalakad nito hanggang marating ang kanyang eskwelahan na umaabot ng isang kilometro at kalahati ang layo.

Habang nakasuot ng uniporme bilang estudyante ay pasan niya ang panindang taho. Hindi alintana ang init at masamang panahon. Makikiusap sa gwardiya ng eskwelahan na pansamantalang iiwan ang panindang taho habang nasa klase ito. At kapag breaktime at uwian na ay muli itong kukuhanin upang ilakong muli.

Umaabot ng halagang 400 piso hanggang 600 piso ang kinikita ni Gopi.

Kailanman ay hindi nahiya si Gopi sa kanyang ginagawa. “There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing a honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive”, pagmamalaki ni Gopi.

“Life is like a math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me”, dagdag pa ni Gopi.

Si Gopi ay nangangarap na maging isang Civil Engr balang araw. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “ESTUDYANTE NG SENIOR HIGH, NAGTITINDA NG TAHO.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: