
SIPAG AT DETERMINASYON
[Ni Sid Samaniego]
Kahanga-hangang sipag at determinasyon ang ipinamalas ng batang nakuhanan ng litrato ng isang suki kahapon sa tindahan kung saan siya mismo ang nagbabantay ng kanilang paninda habang gumagawa ng kanyang module.
Pinatunayan lamang niya na kahit nasa tindahan siya ay pwede pa ring matuto basta’t pursigido.


Kinilala ang 14 anyos at grade 9 student sa Gov. Ferrer Memorial National High School na si Thadeus Jireh Arbolante, a.k.a “TJ”. Pangatlo sa 4 na magkakapatid.
Ayon sa ina ng bata na si Gng. Bel Dulce, madalas diumano ang kanyang anak na si TJ ang nagbabantay sa kanilang tindahan kapag siya ay umaalis.
“Mabait na bata yan si TJ. Madalas siya rin ang nauutusan kong magdeliver ng paninda namin gamit ang bisikleta. Huwarang anak yan si TJ”, pagmamalaki ng inang si Bel Dulce.
Pangarap ni TJ na maging magiting na pulis sa pagdating ng takdang panahon. ##
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
KASALinas 2023
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Kaabang-abang ang ginawang preparasyon ng lokal na pamahalaan sa bayan na ito sa unang araw...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na...