72 ANYOS NA LOLA, NAGTAPOS NG HIGH SCHOOL; PURSIGIDO PANG MAKAPAGTAPOS HANGGANG KOLEHIYO

Read Time:1 Minute, 33 Second

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Tunay ngang hindi hadlang ang edad upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang pinapangarap sa buhay, tulad na lamang ng isang lola dito sa Rosario, Cavite.

Sa kabila ng kanyang edad ng 72, desidido ang isang lola mula sa bayan na ito na makapagtapos ng pag-aaral at ipagpatuloy ang naantalang pangarap.

Grade 11 ngayon sa Westpoint Salinas College itong si Lola Denia Sonia B. Mayonado, may limang anak at 17 ang apo.

Kasalukuyang kumuha siya ngayon ng Food and Beverages Services NC-II.

Dahil sa dedikasyon sa pag-aaral ay nagiging inspirasyon siya ng mga batang estudyante at maging ng mga guro. At kahit imposible para sa iba, hangad daw ni Lola Sonia na matutunan ang iba’t ibang lengguwahe ng iba’t ibang nasyon balang araw.

“Gusto ko kasing matutunan ang mga salita ng mga dayuhan. Upang magkaintindihan kami”, nakangiting kwento ni Lola Sonia.

Kamakailan lamang ay nagtapos ng high school si Lola Sonia sa pamamagitan ng Alternative Learning System na naglalayong maibalik sa eskwelahan ang mga estudyanteng matagal nang tumigil sa pag-aaral.

Taong 1995 ng bigla na lamang naglaho ang kanyang mister na si Virgilio Mayonado na tubong Baes, Negros Orriental at hanggang ngayon ay wala na siyang balita tungkol dito.

Taong 1964 nang dumating sa Cavite si Lola Sonia buhat sa Tabaco, Albay. 13 anyos pa lamang siyang ng panahong iyon. At dito na nga nagsimula ang kwento ng kanyang buhay.

Pangarap din niyang makapagpatayo ng isang restaurant. Dahil ang apo nyang si KC Sablan ay nagtapos ng Culinary Arts sa STI. Pagsasamahin daw nila ang kanilang natutunan sa eskwela.

May nanliligaw diumano sa kanya sa facebook pero patay-malisya na lamang siya dahil ang pag-aaral muna ang kanyang prayoridad upang makapagtapos at makamit ang diplomang matagal ng pinapangarap.

Epipanio Delos Santos Avenue

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post <strong>SEC ISSUES GUIDELINES ON ARBITRATION OF INTRA-CORPORATE DISPUTES</strong>
Next post <strong>DSWD distributes Php 100k cash assistance to Decommissioned Combatants in Sultan Kudarat</strong>

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: