๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐๐†๐‘๐„๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐๐ˆ๐ ๐๐€ ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ

0 0
Read Time:1 Minute, 49 Second

Ang Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika ay ang ikalawang malawakang pagtitipon ng mga mananaliksik, iskolar ng wika, guro, miyembro ng komunidad, at tagapagtaguyod sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Unang isinagawa ang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika noong Oktubre 2018 sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Naging tagapanayam sa kumperensiyang ito ang mga kilalang iskolar at nangungunang tagapagtaguyod ng mga programa hinggil sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika mula sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo.

Layunin ng Kongreso na mailahad at matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpapasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika, at mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik.

Walang babayarang registration fee para dito. Bukรกs ito ng mga guro, mananaliksik-wika, guro ng Indigenous Education (IPEd) at Mother Tongue-Based Multilinggual Education (MTB-MLE), manunulat ng ortograpiya, Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), culture bearers, kinatawan ng mga organisasyong pangwika, kinatawan ng mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan.

Ang pamamaraang gagamitin ay hybrid, kayรข may dalawang paraan ng pagdaloโ€”face-to-face at via Zoom. Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magparehistro nang sabay sa sumusunod na link:

โ€ข Face-to-face: https://bit.ly/PKNWF2F

โ€ข Zoom: https://bit.ly/PKNWZOOM

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐€๐‹ร‚:

Para sa mga dadalo nang face-to-face:

Hindi sasagutin ng KWF ang inyong transportasyon, akomodasyon, at pagkain sa labas ng Kongreso. Limitado lamang ang iimbitahang kalahok at mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in participants kayรข hinihiling na hintayin ang aming email ng kompirmasyon. Ang pagpapareserba ng slot ay hanggang ๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ lamang.

Para sa Zoom:

Limitado lamang sa apat na raan (400) ang tatanggaping kalahok at โ€˜first come, first serveโ€™ ang magiging panuntunan. Ang pagpapareserba ng slot ay hanggang ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ lamang.

Ang programa ay maaaring maakses sa:

https://docs.google.com/…/18OoLyyAmVq39l5bOQIMe…/edit…

Para sa inyong mga tanong o paglilinaw, makipag-ugnayan sa telepono blg. (02) 8547-3188, selfon na (Smart) 0939-1367-287 o (Globe) 0976-2708-124, mag-chat sa @PambansangKongreso2022, o mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

Learn More →
%d bloggers like this: