
141 na mga matatanda pinangiti ng city government ng Koronadal
Read Time:1 Minute, 3 Second
KORONADAL CITY — Sabi nila, pag pinangiti mo ang matanda, para mo na ring pinangiti ang Diyos.
Ayon sa report na pinoste ng city government sa official Facebook account nito, umabot sa 141 na mga matatanda na nasa ilalim ng kategoryang “octogenarian” at “nonagenarian” ang pinangiti ng siyudad matapos nilang personal na matanggap ang benepisyong-pinansyal para sa kanila.
Ang pamamahagi ng nasabing benepisyong-pinansyal ay nakabatay sa Ordinance No. 16, series of 2019 na “pinagtibay” ng Sangguniang Panglungsod (SP).
Ang may akda ng nasabing ordinansa ay si City Councilor Annabelle Pingoy na maybahay ni South Cotabato Governor Dodo Pingoy.
Ayon sa report ng city government, “Umabot sa 141 na nasa kategoryang Octogenarian at Nonagenarian na may edad 85-90 (₱10,000), edad 91 -95 (₱15,000), edad 96-99 (₱20,000) ang nabigyan ng insentibo na umabot sa kabuuang halaga na ₱1,610,000.00.”
Nagsimula ang pamamahagi ng nasabing benepisyong-pinansyal noong Oktubre 18 hanggang Oktubre 25 ng kasalukuyang taon, ayon sa report.
Nagsanib pwersa ang mga kawani ng City Treasurer’s Office, City Social Welfare and Development Office at ilang mga representante ng Federation of Senior Citizens of Koronadal upang maipamahagi ang nasabing biyaya sa mga matatanda.
(Ang larawan ay mula sa City Government of Koronadal/Facebook)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.