
BARMM Isinailalim na sa estado ng kalamidad dahil sa bagyong Paeng na nagdulot na malawakang pagbaha at landslide
Read Time:57 Second
By Abdul Campua
BARMM — Isinailalim na sa “state of calamity” ang buong BARMM matapos itong salakayin ng malawakang pagbaha at pagguho ng mga lupa sa ibat-ibang mga bahagi ng rehiyon , ayon sa report ng Bombo Radyo ngayong gabi (6:41 PM, Oct. 29, 2022).
Ang paglalagay sa buong BARMM sa estado ng kalamidad ay ayon sa kumpirmasyon ni Chief Minister Ahod Ebrahim, ayon pa sa Bombo Radyo.
Batay sa datos na binanggit ng Bombo Radyo, kung saan nagbatay ito sa inilabas na report ng BARMM, umabot sa 115,437 na mga pamilya ang apektado at umabot naman sa 572,185 na mga kabahayan ang apektado ng malawakang pagbaha at landslide dahil sa bagyong Paeng.
Ayon sa report, hinagupit ni bagyong Paeng ang bahagi ng Maguindanao, Cotabato City at ang tinatawag na “Special Geographic Areas” sa probinsya ng North Cotabato.
Batay sa ulat pa rin ng Bombo Radyo, umabot naman sa 40 ang bilang ng mga namatay, mahigit 30 ang naiulat na nasugatan at 17 naman ang reported na “missing.”
Nagpapatuloy ngayon ang pamamahagi ng relief assistance sa mga apektadong sibilyan.
(Ang larawan ay mula sa Agila ng Maguindanao Facebook)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.