
DHSUD-12 nag-presenta ng “Pabahay Program” ni PBBM kay Governor Mangudadatu ng Sultan Kudarat
Read Time:1 Minute, 10 Second
by Ramil Bajo via Asintado Newsliner Online
Makikita sa larawan si Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu na kausap ang mga opisyal ng Departnent of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa Region 12.
Naganap ang kanilang pag-uusap sa loob ng provincial capitol ng Sultan Kudarat sa Isulan, ang capital town ng probinsya, mga tatlong araw na ang nakalipas.
Ang nasabing mga opisyal ng DHSUD-12 ay sina Regional Director Jennifer Bretana at Assistant Regional Director Gifaril Cabalquinto.
Ayon sa report mula sa DHSUD-12, ipiniresenta ng dalawang opisyal ang “Pabahay Program” ni PBBM kay Governor Mangudadatu.
Sa kanilang pag-uusap, nagbigay naman ng commitment si Governor Mangudadatu bilang suporta sa nasabing programa.
Ayon sa report mula sa DHSUD-12, ang nasabing programa ay layong bigyan ng “emphasis” ang “local governments’ counterpart on the Interest Subsidy on the construction of 6.5M housing within 6 years.”
“The main role of the LGU is to allocate government-owned land and funds for amortization support of beneficiaries for the next 5 years after the completion of the project,” ayon sa report ng DHSUD-12 na pinoste sa kanyang Facebook account.
Ayon sa ginawang “validation” ng DHSUD-12, maraming mga informal settlers sa nasabing probinsya.
“There are 31,490 Informal Settler Families in Sultan Kudarat,” ayon pa sa DHSUD-12. (Ramil Bajo via Asintado Newsliner Online)
(Photo credit to the DHSUD-12/Facebook)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.