Andrew Schimmer, Humihiling muli nang Panalangin para sa kondisyon ng kanyang Misis

Read Time:1 Minute, 55 Second

Hindi napigilang maluha ni Andrew Schimmer nang ibahagi nito kahapon, Oktubre 29, ang update sa health condition ng kanyang misis na si Jorhomy ‘Jho’ Rovero, habang humihingi rin ng dasal para sa pagbuti ng lagay nito.

Sa nakalap na impormasyon mula sa KAMI, may nakita umanong ‘bleeding and swelling’ sa utak ni Jho base sa huli nitong MRI.

“Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya,” saad ni Andrew sa update sa kanyang misis.

“Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe. Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya,” dagdag pa nito.

Inilarawan ni Andrew na ‘hardest fight of her life’ ang nangyari na ito sa kanyang misis kamakailan at kitang-kita niya raw kung paano ito lumalaban sa kanyang karamdaman.

“Right now, she really needs a lot of prayers. She is really fighting for her life. Lumalaban po talaga siya. Galing lang po ako sa kanya kaninang madaling araw… And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it”

Patuloy pa rin ang taus-pusong pasasalamat ni Andrew sa lahat ng mga tumutulong at nagdadasal sa paggaling ng kanyang misis na patuloy pa ring lumaban sa kanyang karamdaman. 

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: John Andrew Schimmer

https://fb.watch/gtC4mFNVc9/

Source: KAMI

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na naging matunog ang pangalan mula nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana’y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Sa ospital, kinailangan i-dialysis nito dahil sa pagbaba ng sodium level, potassium ng katawan niya ang tumaas. Matapos ang dialysis ay bahagyang bumuti ang lagay ni Jho hanggang sa ibinigay na nga ni Andrew ang tungkol sa nakita naman nila sa MRI nito kamakailan.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Sarah G, sobrang miss ang kanyang Family
Next post Mga miyembro ng PNP, kahit pagod na tuloy pa rin dahil kailangan
%d bloggers like this: