
ILANG RESIDENTENG APEKTADO NG BAGYONG PAENG SA DASMARIÑAS CAVITE, TINULUNGAN NG KAPITAN
Hindi rin pinalagapas ng Bagyong #PaengPH ang Barangay Paliparan 3, lungsod ng Dasmarinas probinsya ng Cavite ang ilang residenteng napinsala nang nagdaang bagyo nitong Sabado, Oktubre 29.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Isa sa mga dinaanan ng bagyong #PaengPH ang malaking bahagi ng Cavite kung saan umabot sa signal number 3 at may mga naiulat din ng pag-apaw ng ilog sa General Trias Cavite patungong Noveleta, Cavite.
Sa pangyayaring ito, agad namang binisita ni Barangay Captain Ely Guimbaolibot ang mga residenteng apektado ng bagyong Paeng.
Binigyan din ng Kapitan ng kaunting tulong at isang libong piso (P1,000) ang bawat pamilyang naapektuhan ng Bagyong Paeng, katuwang ang Non-Government Organization (NGO) Emergency Responder na nakabase sa nasabing barangay.
Nasa pangangalaga ngayon ng Barangay Paliparan 3 ang ilang residenteng apektado ng bagyong Paeng. #RBM