Metro Manila, at 29 na lugar sa bansa, isinailalim na lang sa Signal No. 1

Read Time:1 Minute, 12 Second

Dahil sa bumubuti na ang lagay ng panahon. Isinailalim na lamang sa Signal No. 1 ang 29 na lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila bunsod ng bagyong Paeng.

Ang mga sumusunod na lugar ay kabilang sa Signal No. 1:

Cagayan (kablang na ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bataan, Zambales, Metro Manila, western at central portions ng Batangas (San Nicolas, Calaca, Cuenca, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Agoncillo, San Pascual, Santo Tomas, Bauan, San Jose, Calatagan, San Luis, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mabini, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Tingloy, Nasugbu, Batangas City, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar), Cavite, Laguna, Rizal, northwestern portion ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, Baco), northwestern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Paluan, Santa Cruz) kabilang ang Lubang Islands at northern portion ng Quezon (kabilang ang General Nakar at Infanta).

Huling namataan ang bagyo–295 kilometro kanluran ng Iba, Zambales, taglay ang hanging 85 kilometers per hour (kph) at bugso nito hanggang 105 kph. Kumikilos ito sa bilis na 20 kph.

Sa pagtatala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalabas na ng bansa ang bagyo sa Lunes ng umaga o hapon.

Sa huling ulat ng pamahalaan, nasa 48 ang nasawi at 22 ang nawawala sa pagbayo ng bagyo sa bansa.

Apektado rin ng bagyo ang nasa 932,000 indibidwal. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
100 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DSWD NROC augments food packs to affected regions by ‘Paeng’
Next post 135,000 Residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Paeng
%d bloggers like this: