
Mga miyembro ng PNP, kahit pagod na tuloy pa rin dahil kailangan
Read Time:58 Second
by Ramil Bajo, Oct. 30, 2022
BARMM — Sila ang ating kapulisan, kahit pagod na sila tuloy pa rin dahil kailangan.
Kailangan nilang maging matatag para alalayan ang mahihinang mga bisig na umaasa sa kanilang lakas.
Kailangan nilang maging malakas para sumagip ng buhay at magbigay proteksyon sa dapat proteksyonan.
Sa pananalasa ni bagyong Paeng sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas, ipinamalas nila kung gaano kahalaga ang papel ng pulis.
Ipinakita nila na sila ay may pusong tumulong at handang magsakripisyo para sa proteksyon at ikakabuti ng karamihan sa panahon ng trahedya, sakuna at kalamidad.
Hindi nila alintana ang pagod at mga buwis-buhay na ginagawa nila. Ang mahalaga sa kanila ay magserbisyo at magbigay proteksyon sa mga nangangailangan.
Ganon ang mga ginagawa nila.
Nagkakapit-bisig upang tulungang makatayo ang mga walang kakayahang tumayo, sagipin ang nga dapat sagipin, buhatin ang mga dapat buhatin, alalayan ang mga dapat alalayan at kung kinakailangan ay magbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng iba.
Ganon sila. Ganon ang mga pinoy na pulis. ##
(Ang mga larawan ay mula sa Facebook page na “I Love PNP” at kuha ng photographer na si Renel Deano)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.