Sarah G, sobrang miss ang kanyang Family

0 0
Read Time:2 Minute, 33 Second

Ibinahagi ni Sarah Geronimo sa kanyang Instagram post kung saan humihingi ito nang tawad sa kanyang mga magulang at ang pananabik niya sa kanyang pamilya.

Nitong mga nagdaang taon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina matapos ang lihim na kasal ni Sarah Geronimo at Mateo Guidecelli noong 2019. Tanging nakakaalam lamang ay ang pamilya ni Mateo.

Ang ina ni Sarah na si mommy Divine, na tutol sa kanilang relasyon sa loob ng ilang taon ay naiulat na hindi inimbitahan sa naganap na kasal, na nagdulot nang tampuhan sa pagitan niya at ng mag asawa. Hanggang ngayon ay tila may tampuhan pa ang mag ina. Kahit na gusto ni Sarah na mapanatiling pribado ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya ay ginamit na rin niya ang pagkakataong ito na hingin ang pagpapatawad ng kanyang magulang na ibinahagi niya sa kanyang IG post nitong Sabado, Oktubre 29.

Sinimulan ni Sarah ang pag post na kanyang ipinagdarasal ang kaligtasan ng lahat lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong Paeng. Saad ng Royalty Popstar sa kanyang post na, “para sa inspirasyon na patuloy na maging malakas, masaya, at mapagmahal sa buhay ano mang hirap o pagsubok ang aking harapin.”

At narito ang kanyang mensahe para hingin ang tawad sa kanyang mga magulang.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito…na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po,” saad ni Sarah G sa kanyang IG post.

“Sa aking mga magulang…walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag-aaruga…ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito,” dagdag pa nito.

“Mahal na mahal ko kayo…daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip,”

Sinabi rin ni Saran G sa kanyang post ang pagpapahalaga nito sa mga taong dapat pasalamatan at ang walang patid na pasasalamat sa Diyos.

“In my darkest hour, I was also reminded to look to God and feel his unfailing love and faithfulness through His word and grace. I have learned to find joy and peace again in God alone. The author of love and the perfecter of our faith,” ani Sarah.

Pinasalamatan din ni Sarah ang mga fans nito, ang Popsters, at ang kanyang manager na si Vic del Rosario.

“Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao. Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan,” pagtatapos nito sa kanyang post.

Matatandaan na pansamantalang huminto sa Showbiz si Sarah Geronimo noong 2020. At ngayon ay muli na siyang nagbabalik at inilabas na rin ang kanyang bagong music album na may two new singles nitong Oktubre na may titulo na: “Dati-dati” at “Coure”. #RBM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

Learn More →
%d bloggers like this: