135,000 Residente sa Western Visayas, apektado ng Bagyong Paeng

Read Time:1 Minute, 14 Second

Umabot sa 135,000 residente ang lumikas matapos maapektuhan ng bagyong Paeng sa Western Visayas.

Pinakanapuruhan ang probinsya ng Capiz na may 21,263 pamilya o 66,953 indibidwal ang apektado ng malawakang pagbaha, partikular sa mga bayan ng Cuatero, Dumalag, Sigma, Jamindan, Mambusao, Tapaz, Panay, Dumarao, Ma-ayon, Sapi-an, Sigma at Tapaz, ayon sa nakalap na impormasyon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Ayon pa sa ahensya, dalawa ang naiulat na namatay sa rehiyon na taga Tapaz Capiz at taga San Joaquin, Iloilo.

May 12 bayan naman sa Antique ang binaha at ito ang Tibiao, San Jose, Patnongon, Sibalom, Hamtic, Tobias Fornier, Laua-an Culasi, Bugasong, Valderrama, Belison at San Remigio na nakaapekto sa 2,883 pamilya o 12,772 indibidwal.

Anim na bayan naman ang lubog pa rin sa baha sa Aklan ang; Libacao, Altavas, Nabas, Kalibo, Numancia at Balete na nagpalikas sa 8,196 pamilya o 26,194 katao.

Samantala, sa Negros Occidental ay may 4,570 pamilya o 20,729 indibidwal mula sa bayan ng Calatrava, Valladolid, E.B. Magalona at mga lungsod ng San Carlos, Sipalay at Bacolod ang kinailangang ilikas bilang pag-iingat sa epekto ng bagyong Paeng.

Sa Iloilo ay mayroon namang 1,866 pamilya o 6,890 indibidwal ang inilikas sa Dingle, San Enrique, San Dionisio at Sara, gayundin ang Passi City.

Bukod sa mga inilikas ay may mga kalsada at tulay ang hindi madaanan, isa na rito ang Kalibo-Numancia, Aklan. ##

Source:  NewsPatrol.com 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Metro Manila, at 29 na lugar sa bansa, isinailalim na lang sa Signal No. 1
Next post Month-Ahead Inflation Forecast for October 2022
%d bloggers like this: