Araw ng mga Patay 2022

Read Time:1 Minute, 42 Second

Ipinagdiriwang ng mga Filipino ang Araw ng mga Patay at/o Araw ng mga Kaluluwa tuwing ika isa (1) at ika dalawa (2) ng Nobyembre taun-taon. Karamihan sa mga Filipino ay nagtutungo sa sementeryo para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao na. Ang iba naman, bisperas pa lamang ay naghahanda na para bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Naglilinis ng nitso, pinipinturahan pa ng ilan at nilalagyan din ng mga litrato ang buntod.

Dahil sa nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa, marami pa ring dapat sundin na mga protokol at panuntunan ng bawat sementeryo sa bansa. Ang karamihan ay nagtakda nang hanggang tanghali lamang ng Nobyembre 1 ang pagdalaw sa mga puntod.

Hindi rin pinapapayagan ang mga kabataan edad 5 pababa sa loob ng sementeryo, bawal ang pagbitbit ng mga pagkain, matatalas na bagay at iba pa.

Umulan man o umaraw ay hindi nagpapatinag ang mga Filipino na makabisita ngayong araw sa sementeryo. Ang iba naman ay pipiliting makapunta bukas dahil sa long weekend na bakasyon at talaga namang sinusulit ang pagsasalo-salo ng mag-anak. Sa mga pagkakataong ito, nag-aalay din tayo ng maihahanda at padasal para sa ating mga kapamilyang hindi na natin kapiling ngayon.

Bahagi na nang kulturang Filipino ang pagbisita sa mga puntod upang alalahanin at manatiling buhay ang presensya ng ating mga namayapang mahal sa buhay kahit na sila ay hindi na natin kapiling.

Madalas ding magkaroon ng kalituhan tuwing Nov. 1 at Nov. 2 kung bakit dalawang araw ito nating pinagtutuunang pansin.

Ang unang araw ng Nobyembre ay tinatawag na “All Saints Day” kung saan ay inaalala natin ang mga Santo na namuhay dito sa mundo ng kalugod-lugod. At ang ikalawang araw ng Nobyembre ay ang pag-alala naman natin sa mga pamilya nating namayapa na o “All Souls Day”.

Anupaman ang pamamaraan ng mga Filipino sa pag-alaala ng kanilang mga yumao, ang Araw ng mga Patay ay isang espesyal at banal na tradisyong maituturing na isang tunay at buhay na kulturang Filipino. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
50 %
Excited
Excited
50 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post FITCH AFFIRMS PHIL BBB INVESTMENT-GRADE CREDIT RATING
Next post Four Steps to Starting a Relationship with Your Daughter That Will Last a Lifetime
%d bloggers like this: