Mga Saksi sa Itaewon Halloween tragedy, sinisisi ang South Korean Police

Read Time:1 Minute, 13 Second

SOUTH KOREA — Hindi bababa sa 149 ang bilang ng mga tao na nasawi sa nangyaring pagdiriwang ng Halloween sa Itaewon, Seoul, South Korea nitong Sabado ng gabi, Oktubre 29, 2022. At mahigit 150 ang bilang naman ng mga nasaktan at nasugatan sa malagim na pangyayaring ito.

Sa mga pag-uulat, nasa higit 100,000 ang bilang ng mga dumalo sa Itaewon nang mga oras na iyon para makisaya sa taunang okasyon na humantong sa isang malungkot at nakakagulantang na pangyayaring ito.

Marami ang nasugatan, nadaganan at naipit sa nasabing okasyong ito dahil sa kakapalan ng bilang ng mga tao na dumalo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa South Korea ang buong mundo dahil sa kalunos-lunos na panyaayri na kumitil ng maraming buhay.

Maraming mga sikat na personalidad ang nakasaksi sa kaganapang ito. Isa na rin si Miss Universe Creative Director Jonas Gaffud, former PBB housemate Argel Saycon, at anim iba pang mga kasama nila dahil naroroon sila sa Itaewon District nang maganap ang insidente. Laking pasasalamat nila sa Diyos na sila ay ligtas.

Sa mga kaganapan doon, maraming nagsasabi sa mga nakasaksi na ang naturang insidente ay hindi stampede kundi ang pagpapatunay na “crush” ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit 150 katao at marami ang nasugatan.

Ayon pa sa mga biktima na ang South Korean Police ang kanilang sinisisi dahil umano sa kakulangan ng paghahanda sa okasyon na dinaluhan ng mahigit sa 100,000 katao na ginagawa naman nila taun-taon. ##

 

*Random Photos

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI reminds of Automatic Price Freeze on Basic Necessities due to State of Calamity Declaration from Typhoon Paeng
Next post Higit 130 patay sa pagbagsak ng tulay sa India; 9 katao may kaugnayan sa pagbagsak ng tulay, Arestado!
%d bloggers like this: