
Higit 130 patay sa pagbagsak ng tulay sa India; 9 katao may kaugnayan sa pagbagsak ng tulay, Arestado!
Umakyat na sa 134 ang patay at 170 naman ang nailigtas matapos bumagsak ang isang tulay sa Gujarat, India kasabay ng pagdiriwang ng Diwali festival of lights, ayon sa local government officials.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Batay sa nakalap na impormasyon, mahigit 400 katao ang nasa tulay sa may Machhu river sa bayan ng Morbi nang biglang bumigay ang tulay nitong linggo ng gabi, Oktubre 30, dahilan nang pagkahulog ng mga tao sa nasabing ilog.
Itinalaga na ang armed forces personnel kasama ang national disaster management and emergency teams mula sa mga karatig-lugar na hanapin ang mga nawawala sa nasabing trahedya.
Ayon pa rin sa report, may 7 ang nananatili sa pagamutan habang 56 katao naman ang nakalabas na ng ospital.
Makatatanggap naman ang bawat pamilya ng mga biktima ng compensation mula sa National Relief Fund ng Prime Minister, ayon kay Prime Minister Narendra Modi.
“(My) heart is filled with love and is with the families of those suffering,” simpatiya ng prime minister.
“I express my condolences to the families of the citizens who lost their lives in the tragedy,” dagdag niya.
Ayon sa kanilang kasaysayan, itinayo ang 230-meter bridge noong 19th century sa ilalim ng British rule. Isinara ito para i-renovate sa loob ng anim na buwan at muling binuksan para sa publiko kamakailan lang.
Samantala, nadakip naman ang siyam katao nitong Lunes (Oktbure 31) na may kaugnayan sa pagbagsak ng natulay, ayon sa mga pulis.
Ang mga naaresto ay may kaugnayan sa kumpanyang nangangalaga ng tulay sa Morbi, ayon kay senior police officer Ashok Kumar Yadav.
Patuloy pa ring iimbestigahang mabuti ang insidenteng ito. ##