Read Time:1 Minute, 19 Second

Ni Sid Samaniego

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

ROSARIO, CAVITE: Sa ika-3 araw ng buwan ng Nobyembre sa maalamat na bayan ng Rosario ay nilikha ng isang kompositor ang “Himno ng Rosario”, na inawit ng 1000 bata na tinaguriang “The 1000 Voices”.

Sa ika-3 araw din ng buwan ng Nobyembre, itinampok ang kauna-unahang pagtatanim ng “Artificial Coral Reefs” sa baybaying dagat ng Rosario, na layuning magkaroon ng sariling tahanan ang mga isda na sa paglaon ay aanihin ng mga mandaragat.

Nobyembre 3 din ng isinagawa ang pamamahagi ng libreng palupa para sa mga mahihirap na taga-Rosario.

“Walang magiging iskwater sa sarili niyang bayan”. Isang katagang hindi kailanman malilimutan.

Kasunod ang malinis at maayos na patubig ng Rosario Water System.

Sa araw din na ito, Nobyembre 3 ay isinagawa sa lahat ng mamamayan ng Rosario ang libreng gastusin sa panganganak maging sa pagpapalibing. Mahirap man o mayaman. Ika nga, “From Womb to Tomb”.

Ang libreng gamit sa eskwela ng mga bata, libreng cake para sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan, at libreng pag-aaral sa kolehiyo ay sa araw din na ito unang isinagawa.

Ilan lamang iyan sa mga hindi malilimutang pangyayari na naganap sa ika-3 araw ng buwan ng Nobyembre. Kulang ang espasyong ito…

Kulang ang isang araw ng makasaysayang kwento…

Kulang ang daliri kung bibilangin ang lahat ng ito…

Subalit sapat na at sobra-sobra pa, dahil sa araw din na ito ay isinilang ang isang itinuturing na bagong bayani ng mamamayan ng Rosario.

Tinaguriang “Alamat” ng bayan. Patuloy kang mananatili sa aming puso’t isipan…

Maligayang Kaarawan, Mayor Jose “Nonong” Ricafrente Jr. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
100 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

One thought on “Mga Ganap sa Ika-3 Araw ng Nobyembre sa Rosario, Cavite

Comments are closed.

Previous post Mayor Vico, nagbitiw na sa Aksyon Demokratiko ni Isko Moreno
Next post DTI Forges Startup and Innovation Partnership with the Government of QC in its Startup QC Program Launch

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: