
Pagsuot ng Face mask, Boluntaryo na lang
Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order (EO) para sa boluntaryong paggamit ng face mask sa mga indoor at outdoor area.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nakasaad sa Executive Order No. 7 na kailangan pa ring sundin ang minimum public health standards kabilang na rito ang pagsunod sa good hygiene, malimit na paghuhugas ng kamay, physical distancing at maayos na bentilasyon sa mga kulob na lugar.
Kauganay ng kautusang ito, positibo ang gobyerno na malapit na tayong manumbalik sa normalisasyon at mga pagbabago para mapalakas ang muling pagbuhay ng ating ekonomiya.
“A policy of voluntary wearing of face masks in both indoor and outdoor settings is a positive step towards normalization, and welcome development that would encourage activities and boost efforts towards the full reopening of the economy,” saad sa EO.
Sakabila nang pagluluwag, kinakailangan pa ring magsuot ng face mask sa mga healthcare facilities gaya ng clinic, ospital, laboratories, nursing homes, dialysis center, at iba pang mga paggamutan na may kauganayan sa ating kalusugan.
Kahit may kaluwagan na ang ating paggalaw sa nagpapatuloy na pandemya, dobleng pag-iingat pa rin ang paalala ng mga eksperto sapagkat hindi pa tapos ang ating pakikipag laban sa pandemya sa kasalukuyang panahon. ##
[Photo: Philstar]