JRP CARES NAMAHAGI NG TULONG SA NASALANTANG BAHA SA CAVITE

Read Time:38 Second

Ni Sid Samaniego

ROSARIO, CAVITE: Namahagi kahapon ng relief packs ang grupo ng JRP Cares sa bayan ng Rosario at Noveleta Cavite na lubos na napinsala ng “bagyong paeng”.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ng magkaibigang Mike Ivan Presa at Renz Mateo kasama ang buong staff ng JRP Cares.

“Prayoridad namin ang laging makatulong sa kapwa, masaya na kami sa bawat ngiting nakikita namin sa tao sa pagtanggap ng aming munting tulong”, paglalahad ni Mike Ivan Presa.

Umabot sa 1,250 pamilya ang nabiyayaan ng tulong ng JRP Cares.

Si Presa ay isang batang negosyante na kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta ng iba’t ibang pyesa ng motor ng JRP na nagmula sa bansang Thailand. ###

 

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %
Previous post DSWD ensures smooth distribution of assistance for ‘Paeng’ victims
Next post Singer/Rapper na si Aaron Carter, Pumanaw na sa edad 34
%d bloggers like this: