Ni Billy Zapa
Pormal nang inanunsyo ng MP Promotions ang pagbabalik ng Blow-by-Blow Boxing sa Pilipinas sa ginanap na Press Conference kahapon, [November 6] sa General Santos City na pinangunahan mismo ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
“Bigyan natin ng chance ‘yong mga kabataan natin na gustong sumunod sa yapak ni Manny Pacquiao, kaya itong Blow by Blow patuloy na magbibigay inspirasyon,” ayon sa pahayag ng MP Promotions.
Target ng MP Promotions na magkaroon ng boxing event isang ibeses sa isang buwan para mas marami pang boksingero ang matutulongan ng blow-by-blow na magkaroon sila ng laban dahil noong kasagsagan ng pandemya ay ilan sa mga Pinoy boxers natin ay tumigil na sa pagbo-boksing.
“It’s coming back! Blow by Blow, a TV boxing series, made its debut in 1994 and ended in 1999 was revived as Blow-by-Blow reloaded in 2015-16 and will now return bigger, better and bolder!” pahayag ni Quinito Hension.
“Inaanyayahan ko po ang lahat ng mga solidong boxing fans diyan na suportahan natin ang pagbabalik ng blow by blow, sinisigurado po namin na umaatikabong bakbakan ang mapapanuod ninyo katulad noong 90’s dati” ani Art Monis (Matchmaker)
Matatandaan na nagsimula ang Blow-by-Blow sa Pilipinas taong 1994 na naging tulay upang makilala si Manny Pacquiao at nagbigay ng oportunidad sa lahat ng boksingero dito sa ating bansa.
Para sa buena mano ng Blow-by-Blow ay sampong boxing matchup kaagad ang handog ng MP Promotions sa November 20, 2022 na gaganapin sa Mandaluyong City College, at mapapanuod ito sa ONE SPORTS Tv.
Narito ang listahan ng mga sasabak sa naturang kompetisyon;
Jimboy Navidad vs. Mark Sabang (4-Rounds Bantam Division)
Ronald Tolentino vs. Jerome Ranullo (4-Rounds Minimumweight Division)
Jairick Patago vs. JM Guntayon (4-Rounds Lightweight Division)
Elwin Mendoza vs. Erwin Banta (4-Rounds Bantamweight Division)
Rechel Calo vs. Mark Henry Escriber (6-Rounds Super Featherweight Division)
Lorenz Dumam-ag vs. Carl Jeffrey Basil (6-Rounds Light Flyweight Division)
Arvin John Sampaga vs. Archiel Villamor (6-Rounds Flyweight Division)
Ariel Antimaro vs. John Mark Tihuk (8- Rounds Bantamweight Division)
Michael Mendoza vs. Enrique Magsalin (vacant PBF Super Flyweight Championship)
Criztian Pitt Laurente vs. JR Magboo (vacant PBF Super Featherweight Championship)