
Total Lunar Eclipse, masisilip bukas!
Heads up para sa mga gustong masilayan ang Total Lunar Eclipse!
Mangyayari na ang total lunar eclipse bukas, Nov. 8 at ito ay visible na makikita sa kalangitan, ayon sa PAGASA.
Magsisimula ang eclipse bukas ng alas 5:19 ng hapon (moonrise) kung saan makikita ang pagsilip ng buwan at ito ay masisilayan sa ganap na 6:16 ng gabi sa magkaparehong petsa, ayon sa pagtatala ng nasabing meteorological agency.
Ang peak stage ng eclipse ay bandang alas 6:59 ng gabi ayon sa PAGASA, “The Moon will remain in totality until 7:42 PM. It will then go into a partial eclipse until 8:49 PM and comes to an end at 9:58 PM.”
Ang nasabing astronomical event ay mapapanood via live stream ng PAGASA Astronomical Observatory sa kanilang official Facebook page at PAGASA YouTube channel. #RBM