Ni Billy Zapa
Pormal nang inanunsyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas o SBP ang listahan ng mga gilas player na sasabak sa 5th window ng FIBA 2023 Asian Qualifiers na pinangungunahan nina Kai Sotto, Japeth Aguilar, RR Pogoy, Scottie Thompson, Poy Erram, Cj Perez at Bobby Ray Parks Jr.
Nasa listahan din ang Ateneo Center at Naturalized Player Ange Kouame, bigman na si Kevin Quiambao, athletic-versatile forward Jamie Malonzo, TNT player Calvin Oftana at ang dalawang Japan’s B-League stable na sina Dwight Ramos at Thirdy Ravena.
Sa November 11, 2022 sasabak sa unang game ang gilas kontra sa home team ng bansang Jordan na pinangungunahan ng kanilang star player Dar Tucker 18.0 ppg. Kasunod niyan babyahe ang koponan ng gilas sa Jeddah para harapin naman ang Saudi Arabia na may pambatong Center Mohammed Alsuwailem 20.0 ppg. Matatandan na dinurog ng gilas ang Saudi noong August 29, 2022 MOA Arena sa score na 84:46.
Kampante si Coach Chot Reyes sa bitbit nitong linyada para sa 5th Window, mapapansin na malalaki ang ating mga guwardiya ngayon habang nasa 6’8″ naman ang average ng mga bigman players. Samantala alanganin na makalaro ang 6-time PBA MVP June Mar Fajardo dahil kagagaling lamang nito sa throat surgery samantala si Jordan Clarkson na naglaro sa gilas nakaraang 4th-window ay balik NBA muna para sa koponan ng Utah Jazz pero sinabi ng SBP nasa 100% makakapaglaro muli si Clarkson sa gilas para sa FIBA World Cup 2023 na gaganapin dito sa Metro Manila.
Mapapanuod live ang laban ng gilas sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, at Smart GigaPlay (Gilas Men vs. Jordan — Nov. 11, 12:00 AM | Gilas Men vs. Saudi Arabia — Nov. 14, 12:00 AM)
(Gilas 5th Window Final Lineup: FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers)
Kai Sotto – C / 7’2″
Ange Kouame – C / 6’11”
Japeth Aguilar – PF;C / 6’9″
Poy Erram – PF;C / 6’8″
Kevin Quiambao – PF / 6’7″
Jamie Malonzo – SF;PF / 6’7″
Calvin Oftana – SF;PF / 6’5″
Bobby Ray Parks – SG;SF / 6’4″
Dwight Ramos – SG;SF / 6’4″
Thirdy Ravena – SG;SF / 6’3″
Cj Perez – PG;SG / 6’2″
RR Pogoy – SG / 6’2″
Scottie Thompson – PG;SG / 6’1″