
Salt Papi, ibinida ang kanyang before & after na katawan
Ni Billy Zapa
Trending ngayon online ang bagong litrato na ipinoste ni Busta Breezie o mas kilala sa bansag na Salt Papi, ang nasabing larawan ay ang before and after na pangangatawan ng Celebrity Boxer na maraming fans ang humanga sa kanyang ebolusyon na ang dating mataba ay maskulado na ngayon.
Bago pumasok sa mundo ng boksing matatandaan na unang nakilala si Salt Papi bilang isang Titktoker sa United Kingdom, nagviral dati ang kanyang Fake Run Dance Challenge video at ang nakakaaliw na pagkopya sa Turkish Chef’s Salt Bae.
March 5, 2022 sumabak si Salt Papi sa kanyang unang amateur bout kontra Hamad Han panalo si Papi via unanimous decision at muling lumaban Setyembre nitong taon kontra Andy Warski at muling nanalo via 29 seconds of Round 1 knockout. Dahil sa impresibong performance ay gustong sunod na makalaban ni Papi ang numero unong Celeb boxing superstar na si Jake Paul o di kaya ang rapper na si Ksi.
Inaasahang mas lalo pang sisikat si Salt Papi bilang Celebrity Boxer na kasalukuyang mayroong 283,000 subscribers sa youtube, 398,000 Instagram followers at 4.3 million followers sa Tiktok. Si Salt Papi ay isang Filipino na ipinanganak at lumaki sa bansang England.
(Salt Papi Boxing Profile)
Wins – 2 / Loss – 0 / KO – 1
Age: 28
Height: 5′ 10″
Division: Cruserweight
Stance: Southpaw (L)
Reach: 69”