
Usyk vs. Fury – Undisputed Heavyweight Championship, Ikakasa sa 2023
Ni Billy Zapa
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Target ng kampo ni Usyk na maikasa ang laban kontra Tyson Fury sa Pebrero o Marso 2023, kinumpirma mismo ito ng Manager ni Usyk na si Egis Klimas na dapat mangyari sa sunod na taon ang makasaysayang Undisputed World Heavyweight Championship, dahil kapag masyadong demanding parin ang kampo ni Fury ay pipili nalang ng ibang makakalaban si Usyk malamang kontra sa dating kampeon Deontay Wilder o di kaya si Canelo Alvarez.
Dagdag pa ni Klimas na walang panahon ang kanyang opisina na pahabain pa ang negosasyon sa 6’9″ WBC Heavyweight Champion Tyson Fury para sagupain ang IBF, WBA, & WBO Champion Oleksander Usyk naikasa na sana ang laban ngayong taon kaso mas pinili ni Fury kalabanin ang top contender na si Derek Chisora sa December 3.
Malaking problema pa daw kung sakaling magkaroon ng injury si Fury pagkatapos ng laban niya kay Chisora dahil marami ang nakapagsabi na mismatch ito kaya posible ang headbutt, sugat sa kilay o kung mamalasin baka mabalian pa ng kamay si Fury sakaling mangyari ay hindi na matutuloy sa 2023 ang bakbakang Usyk vs. Fury.
“Everything is done from our side! everything absolutely! its only for one guy (Fury) who can say yes were going thats period” pahayag ni Egis Klimas (Usyk’s Manager). ###