Mendoza vs. Magsalin – Blow by Blow Co-Main Event

Read Time:2 Minute, 14 Second

Ni Billy Zapa

Sa pagbabalik ng Blow by Blow boxing sa Pilipinas maraming boxing fans ang nakaantabay para mapanuod ito ng live sa November 20, 2022 Mandaluyong College, Mandaluyong City.

20-Pinoy na boksingero ang magtatagisan sa ibabaw ng lona sa walong magkakaibang dibisyon, isa na diyan ang 10 rounds co-main event na bakbakan para sa bakanteng PBF Super Flyweight title nina Michael Mendoza at Enrique Magsalin.

Si Mendoza ay pambato ng Hardstone Monis Pili Sports Academy na nakabase sa Pili, Camarines Sur habang si Magsalin naman ay nirerepresenta ang Elorde Southbox Stable ng Sucat, Parañaque.

Huling lumaban si Mendoza oktubre nakaraang taon kontra WBO Oriental Flyweight Champion Olimjon Nazarov na ginanap sa South Korea, natalo sa laban ang binansagang ‘Captain Barbel’ ng pinoy boxing na marami ang nakapagsabi nadaya daw tayo sa resulta.

“Kung mapapanuod nila ang replay ng laban ko kay Nazarov sir ginawa ko po ang lahat ng aking makakaya, aminado po ako na hindi ko maknockout ang kalaban kasi alam mo naman po kapag dayo tayo sa ibang bansa kailangan patulogin talaga ang kalaban pero kung sa pilipinas daw ang laban klaro na panalo siguro ako sabi ng aking Coach Tacy Macalos kasi mas marami akong patama na malinis at solido, sa napapalapit ko na laban naman sir kontra Magsalin gagawin ko po ang best ko para makuha ang title, magfo-focus ako sa katawan para makapatama ako ng magandang body shots, kapag manalo ako sa laban na ‘to gusto kong makalaban si Philippine Champion Ben Ligas” – pahayag ni Mendoza

Samantala mahigit dalawang taon nang hindi nakaapak sa totoong intablado ng suntukan si Enrique Magsalin, ang kanyang huling sampa sa lona ay ang kanyang pagdayo sa bakuran ng Russia mismo noong December 2019, nakasagupa ni Magsalin ang Spanish boxer na si Samuel Carmona, natalo man sa laban pero doon ipinakita ni Magsalin na kaya nitong makipagsabayan sa banyagang katunggali.

”Ilang taon akong hindi nakapaglaban dahil yan sa pandemya pero nagtrabaho ako bilang boxing trainer dito sa Elorde gym, ako rin po ay nagsilbing sparring partner ng ilang sikat na pinoy boxer kapag nasa training sila marami rin po akong artista na kliyente kagaya ni Mon Confiado at Buboy Villar, parang insayo na rin po sa akin araw araw nagpapasalamat ako kay Ma’am Cucuy Elorde sa pagbigay sa akin ng trabaho at binigyan ako ng malaking comeback na laban sobrang pasasalamat ko talaga sa boss ko, ang masasabi ko naman sa makakalaban ko na si Mendoza pinag-aralan namin ng husto ang kanyang istilo, nirerespeto ko po ang aking kalaban dahil pareho lang kaming naghahanda pero gusto kong manalo ng impresibo para makabalik sa International stage ang aking pangalan” – pahayag ni Enrique Magsalin. ###

Happy
Happy
20 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
80 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post CASHLESS MALLING FOSTERS AN INCLUSIVE DIGITAL PAYMENTS SYSTEM, SAYS BSP. 
Next post Trade Chief summons potential investors in food production and agriculture 
%d bloggers like this: