Ni Billy Zapa
Anim na Pinoy Boxers natin sa ngayon ang may mga hawak na titulo mula sa World Boxing Foundation o WBF, sa kasaysayan ng Philippine Boxing nakapagtala na ng dalawang world champions ang WBF – Jovanie Sultan WBF Welterweight World Champion (November 25, 2006) at Ar Ar Andales WBF Minimumweight World Champion (March 9, 2020).
Sa pamumuno ng WBF Philippines/Asia Pacific Supervisor Mr. Alvin Go maraming boksingero sa bansa ang nabigyan ng oportunidad na maging kampeon, sa kasalukuyan mayroong anim na WBF regional/international champions ang Pilipinas narito ang listahan;
1. Jake “El Bambino” Amparo – WBF Asia Pacific Minimumweight Champion, 22-anyos na tubong Guindulman, Bohol at pambato ng PMI boxing stable, napanalonan ni Amparo ang bakanteng titulo noong April 23, 2022 kontra Roldan Sasan via unanimous decision. Tagumpay rin si Amparo sa kanyang huling dayo na laban sa South Africa nitong Oktubre ng taon at inaasahang lalaban muli sa Enero 23 para depensahan ang kanyang WBF Asia Pacific belt.
2. Jhunrille Castino – WBF Asia Pacific Super Bantamweight Champion, 23-anyos ng Guindulman, Bohol at produkto rin ng PMI Boxing Stable, nasungkit ni Castino ang WBF-belt June 26, 2022 kontra Jeffrey Francisco via unanimous decision at nakatakdang lalaban muli sa December 8, 2022 kontra naman Emmanuel Mogawa.
3. Jhunrick “Iron Fist” Carcedo – WBF Asia Pacific Super Lightweight Champion, 23-anyos na Sanman fighter at pride ng Davao City noong July 23, 2022 naging ganap na WBF Champion si Carcedo nang pinabagsak niya dalawang beses si Antonio Siesmundo sa round 3 ng kanilang bakbakan, dahil sa impresibong performance malaki ang posilibidad na lalaban ito abroad o isang bigating matchup dito sa Pilipinas.
4. Lito “Naruto” Dante – WBF International Minimumweight Champion, maraming tagahanga at ang pinakatanyag na kampeon ng WBF, August 7, 2022 apat na beses na-knockout ni Dante si Clyde Azarcon kaya hindi na umabot ng sampong rounds ang laban, panalo via round 4 tko si Naruto ngayon on training para sa kanyang sunod na laban at posibleng isang world title fight ng WBF ito si Dante ang mandatoryong tagahamon ng 105 lbs.
5. Al “Rock” Toyogon – WBF Asia Pacific Lightweight Champion, 24-anyos na eksperyensyadong boksingero dati nang nakalaban ni Toyogon si Jorge Linares, August 7, 2022 nakuha ni Toyogon ang bakanteng WBF belt kontra Allan Villanueva via Round 2 knockout victory.
6. Kit Ceron Garces – WBF Australasian Flyweight Champion, undefeated boxer ng Prime Fight boxing stable na kakapanalo lang kontra Ian Donaire nitong November 5, 2022.
“Ang WBF patuloy na magbibigay ng opportunity sa mga boxers lalong-lalo sa mga pinoy boxers, hopefully sa 2023 magkakaroon tayo world championship fight dito sa Pilipinas, nakaplano na yan abangan nalang natin, salamat” pahayag ni Mr. Alvin Go. ###