Carlo Paalam pasok na sa Finals, Bakbakan para sa Gold Medal

Read Time:51 Second

Ni Bily Zapa

Sigurado na para sa silver medal si Carlo Paalam matapos niyang talunin kagabe November 10, 2022 ang Kyrgyzstan boxer na si Sanzhai Seidakmatov sa kanilang Men’s Bantamweight (54kg) semifinals ng ASBC Asian Elite Boxing Championships sa Amman, Jordan. Pumabor ang limang hurado kay Paalam sa magkakaparehong iskor na 29-28

Aabante na sa Finals ang 24-anyos at 2020 Olympic Silver Medalist, makakaharap niya ang pambato ng bansang Kazakhstan na si Makhmud Sabyrkhan na kakapanalo lang rin sa semifinals kontra Uzbekistan’s Shakhzod Muzaffarov

Inaasahang magiging dikdikan ang bakbakan para sa Gold Medal sa pagitan ng Pilipinas at Kazakhstan, hiling ni Paalam na kailangan niya ang suporta at panalangin ng buong sambayanang Pilipino para masungkit niya ang gintong korona. Mapapanuod live ang laban ni Carlo Paalam sa Asian Boxing Confederation facebook page.

“Thank you for the unending support, everyone. lang beses ka man suntukin ng mga hamon sa buhay, patuloy na lalaban tungo sa tagumpay. Help me pray to bring that Gold medal home!” – ani Carlo Paalam ##

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Robert Paradero – 2x World Title Contender sasabak muli sa World Championship
Next post DTI Secretary Pascual leads the Philippine Delegation during the 21st ASEAN Economic Community Council (AECC)
%d bloggers like this: