Gilas dinurog ang bansang Jordan, Coach Chot big-ball Epektibo!

Read Time:2 Minute, 47 Second

Ni Billy Zapa

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Dinurog ng Gilas Pilipinas ang hometeam ng bansang Jordan sa score na 66-74, ito ang unang panalo ng Gilas sa 5th window ng FIBA Asian Qualifiers

(1st Qtr. Highlights)

Naglaro bilang 1st-Five sina Thompson (6’1″) Point Guard, Pogoy (6’1″) Shooting Guard, D. Ramos (6’4″) Small Forward, Aguilar (6’9″) Power Forward at Sotto (7’2″) Center. Naka-iskor si Pogoy para sa unang pontos pero agad namang bumawi ang Jordan ng isang open corner 3-point shot. Sunod na umarangkada ang chemistry ng mga bigman 7:12 seconds isang malupit na assist ni Aguilar kay Sotto – 5:35 naman ng 1st quarter nakalibre si Aguilar ng dunk habang pamatay sunog din ang pasa ni Sotto kay Erram sa loob, Samantala naging alas ng Jordan ang 34-anyos Dar Tucker na shooting guard na nakapagtala ng dalawang 3-pointers, sa pagtapos ng 1st quarter lamang ang gilas 1-point.

(2nd Qtr. Highlights)

And-1 para kay Cj Perez na may dalawang foul na kaso mintis ang kanyang free throw,

Lumiyab narin si Ray Parks sa kanyang pangalawang 3-points score sa laro, pasok din ang pull-up jumper ni Erram kaso may dalawang traveling violation na. Naging sakit sa ulo naman ang opensiba ng dalawang Jordan players – si Tucker na ilang beses ng naiskoran ang mga gwardiya ng gilas at ang pagiging dominante ni Ahmad Al Dwairi sa loob na nakapagtala ng 4-straight rebounds. 3:02 remaining penalty situation para sa Gilas pero tuloy hindi nagpatinag sa depensa sina Aguilar at Malonzo na may tig-isang block kasunod niyan ang isang inbound pass ni Thompson kay Malonzo pero natapos ang 2nd quarter na may 4-pontos na kalamangan ang Jordan 41-37.

(3rd Qtr. Highlights)

Naka-iskor si Sotto ng pangalawang 3-pointer at ang supalpal niya kay Jordan player Abbas, buwis buhay na mga atake ni Aguilar sa shaded area pero dito nagpakitang gilas si Scottie Thompson ng kanyang mga signature rebounds at unti-unti nang umaabante ang laro ng mga gilas guards, pasok ang dalawang free throw ni Parks, mga steals ni Ramos na naka-iskor din ng isang corner 3’s. Sa 2:53 nang laro lamang na ng 5-points ang gilas, nakapagtala rin si Kouame ng kanyang unang pontos sa laro, dahil sa bantay sarado na depensa ni Dwight Ramos sa star player ng Jordan na si Tucker ay tuloyan ng inalat ang laro nito natapos ang 3rd qtr. gilas up by 7-points 51-58.

(4th Qtr. Highlights)

Bumibilis na ang ball movement ng gilas na siya namang hindi masabayan ng Jordan, back to back basket para kay Perez, follow up dunk ni Kai Sotto at ang flashy lay-up ni Thompson. 3:53 ng laro nafouled-out si Kouame pero tuloyan ng nanlamig ang Jordan kahit na maraming open shots ito. 2:28 penalty na ang gilas tinawagan ng loose ball foul si Pogoy, 2:08 remaining tumawag ng timeout si Coach Chot para silyohan ang 12-points na kalamangan, tagumpay ang Pilipinas sa final score na 66-74.

Top scorer of the Game si Kai Sotto 16; Ray Parks 13; Cj Perez 11 habang sa Jordan Tucker 23; Al Dwairi 18 at Bzai 9. Sunod na makakaharap ng Gilas ang koponan ng Saudi Arabia na mapapanuod parin live sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, at Smart GigaPlay. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
100 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post ‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
Next post Secretary Pascual to HK businessmen: Make PHL your preferred business destination 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: