Robert Paradero – 2x World Title Contender sasabak muli sa World Championship

Read Time:1 Minute, 47 Second

Ni Billy Zapa

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sasabak muli sa isang World Championship fight ang tubong Malaybalay City, Bukidnon boxer na si Robert Paradero kontra sa african fighter Gcina Makhoba.

Inanunsiyo ito mismo ng HLE-JOBE Promotions na kasado na ang laban para titulong WBF Super Flyweight Championship belt December 3, 2022 na gaganapin sa Majuba Fet Colage Hall, Dundee, South Africa.

Si Paradero ay dalawang beses ng lumaban sa world title kaso mailap talaga ang tiyansa na makuha niya ang gintong korona, February 20, 2021 Paradero vs. Vic Saludar WBA Minimumweight World Title kaso natalo ang binansagang ‘Super Inggo’ ng boxing via split decision at ang panghuli ay noong December 14, 2021 kontra sa defending champion thai-boxer Thamanoon Niyomtrong o kilala sa pangalang ‘Knockout Cp Freshmart’ muling nalasap ni Paradero ang pagkatalo via round 5 tko.

Huling lumaban si Paradero noong October 2022 para sa pangalawang banggaan nila ng Sanman Fighter Vince Paras, natalo si Paradero via Unanimous decision. Kahit sunod-sunod ang mga kabiguan sa karera ni Paradero ay marami pa ring natatanggap na offers abroad. Kaya nang sinabi ng kanyang manager na muling lalaban siya sa world title ay pumirma na kaagad ito ng kontrata.

”Yong mga talo ko sa boxing ay ginagamit kong motibasyon sa aking sarili sir, nabalitaan mo yong laban ko sa thailand saklap nangyari sa akin, namatay kasi ang tatay ko bago ako umalis ng Pilipinas umakyat ako sa ring preparado ako sa laban kaso ang problema parang mayroong kulang talaga, dinamdam ko kasi ang pagpanaw ng aking ama kaya ganon, sinabi ko sa sarili ko sir na lalaban pa rin ako kahit anong mangyari, may purpose ang lahat kung bakit ganyan ang resulta ng mga previous fights ko, this time sir ay bumalik na kumpyansa ko sa sarili pati ang mentalidad ko na makuha ko na ang world title pabalik ng ating bansa, gagawin ko po ang lahat na matalo ko si Gcina Makhoba, kahit na dayo tayo sa South Africa lalaban ako sa abot ng aking makakaya, malaki po tiwala ko sa aking trainer na si Coach Jojo Singsing, ako parin si Robert Paradero Sakalam ng Pinas!” pahayag ni Paradero. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
100 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHL, South Korea expand cooperation and strengthen trade in priority sectors 
Next post Carlo Paalam pasok na sa Finals, Bakbakan para sa Gold Medal

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: