Carlo Paalam wagi ng Gold Medal sa Asian Elite Boxing Championship

Read Time:59 Second

Ni Billy Zapa

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Panalo ng Gold Medal si Carlo Paalam sa kakatapos lamang na finals ng ASBC Asian Elite Boxing Championship 54kgs. Bantamweight division na ginanap sa Amman, Jordan sabado November 12. Tinalo ni Paalam ang pambato ng bansang Kazakhstan na si Makhmud Sabyrkhan via split decision.

Sa round 1 ng bakbakan ay dinomina ng Kazakh’s boxer ang laban pero bumawi si Paalam sa round 2 at sa round 3 naman doon na binuhos ng pinoy ang lahat ng kanyang makakaya masyadong dikit ang laban pero bandang huli ay nanaig pa rin sa iskoran si Paalam.

(Final Scores) / (Sabyrkhan – Paalam)

Judge #1 / 28 – 29

Judge #2 / 27 – 30

Judge #3 / 29 – 28

Judge #4 / 28 – 29

Judge #5 / 28 – 29

Samantala noong Miyerkules November 9 bigo naman ang dalawang pinay boxers na sina Nesthy Petecio at Hergie Bacyadan na makapasok sa womens semi finals ng kompetisyon. Natalo si Petecio sa pambato ng Kazakhstan na si Karina Ibragimova at hindi rin pinalad si Bacyadan sa kanyang middleweight (75 kgs.) showdown kontra Uzbek women boxer Ruzmetova Sokhiba. Sa kabilang banda ay nauwi parin naman ni Nesthy Petecio ang Bronze Medal sa featherweight division (57 kgs.) ng nasabing torneyo. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
100 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post JERUSALEM vs. TANIGUCHI – Siguradong Bakbakan Talaga ito
Next post Ready na ang Gilas kontra Saudi – K. Ravena hindi pa rin Kasali

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: