JERUSALEM vs. TANIGUCHI – Siguradong Bakbakan Talaga ito

Read Time:3 Minute, 12 Second

Ni Billy Zapa

Kasado na ang bakbakang Melvin Jerusalem vs. Masataka Taniguchi WBO Minimumweight World Championship January 6, 2023 na gaganapin sa EDION Arena, Osaka, Japan at mapapanuod ito live sa Abema Tv official website.

Ito na ang pangalawang beses na lalaban sa world championship, matatandaan na unang sumabak sa isang world title fight si Jerusalem noong January 25, 2017 kontra sa defending WBC Minimumweight world champion Wanheng Meenayothin, natalo si Jerusalem sa laban pero inulan ng kontrobersiya ang thailander boxer dahil sa unanimous decision na pagkapanalo nito sa isko na Frank Hadley 113-114;Jae Bong Kim 113-115;Steve Morrow 113-114. Kasalukuyang on training ang tubong Manolo, Bukidnon boxer sa bahay suntukan ng Villamor Boxing Gym sa Cebu, City kasama ang tanyag na boxing trainer Coach Michael Domingo.

Masataka Taniguchi ang defending WBO Minimumweight world champion at pambato ng bansang Japan. December 14, 2021 naagaw ni Taniguchi ang titulo nang talunin niya ang dating kampeon Wilfredo Mendez, sunod na dinepensahan ang kanyang titulo kontra sa kapwa Japanese Boxer Kai Ishizawa April 22, 2022 at muling nagtagumpay si Taniguchi via round 11 technical knockout. Anim na pinoy boxers na ang kanyang tinalo pero noong February 26, 2019 ay bigo si Taniguchi na maagaw ang gintong korona ng WBO Minimumweight title sa kamay ni Vic Saludar.

Ekslusibong nakapanayam ng Diyaryo Milenyo News sina Melvin Jerusalem at ang coach nito na si Michael Domingo narito ang buong detalye:

Q1: Ano-ano ang mga preparasyon na ginagawa mo para sa napapalapit ba laban?

(Sagot ni Jerusalem): Ang preparasyon namin ne coach ay magsikap lang talaga palagi at focus sa goal para makamit ang world champion na belt gagawin namin lahat nang aming makakaya

Q2: Nakita ko ang mga litrato mo sa facebook na punong-puno ito ng mga after-sparring pictures mo sa ibang boxers katulad nina Donnie Nietes, Mark Vicelles, Regie Suganob at iba pa, marami ka bang natutunan sa kanila?

(Jerusalem): Oo sir marami akong kasparring na mula sa ibat-ibang promotion boxers kagaya nang ARQ boxing gym OMEGA boxing at dito sa VILLAMOR boxing gym kung saan kami nagtraining.

Q3: Kasama mo rin sa ensayo sina Jeo Santisima, Kj Cataraja at Esneth Domingo sa Villamor Boxing Gym, sa tingin mo malaking bagay ba na may kasamang dekalibreng boksingero sa ensayo?

(Jerusalem): Yes sir kasama ko sila Santisima dati pa noong nasa sa ALA boxing promotions pa kami, hindi naman kami sabay-sabay magtraining kasi pareho kami ng coach si Michael Domingo. Ang napakaganda ngayon dahil nanalo ang dalawa kung kasama sa Japan sa kanilang mga laban nitong taon lang kaya mas lalo ko pang pinagsisikapan na mag ensayo para makuha itong pangawalang world title fight ko, maraming salamat sa inyong supporta.

Q1: Ano masasabi mo sa makakalaban ni Jerusalem, ano po ang nakikita ninyong kahinaan ni Taniguchi na maging bentaha para kay Jerusalem upang manalo sa laban?

(Sagot ni Coach Domingo): Si Taniguchi ay isang magaling na world champion stylist, nasa 60 or 70% ang kanyang knockout power kaya hindi pweding magkumpyansa si Jerusalem. Malaking advantages ni Melvin ang speed at power pero both boxers 50/50 ang chance na manalo.

Q2: Ano naman ang malakas kay Taniguchi, saan siya magaling ano ang dapat ingatan ni Jerusalem sa laban upang malusotan ito?

(Sagot ni Domingo): Malakas ang left straight at right hook nya kailangan bantayan magaling din ang foot work ni Taniguchi, Kung sino ang may mas magandang kondisyon siya ang mananalo sa laban kasi parehas magaling.

(Tale of the Tape of Melvin Jerusalem)

Wins: 19

Losses: 2

Draw: 0

KO’s: 11

KO%: 52.3%

Age: 28

Height: 5′ 2″

Reach: 66″

Stance: Orthodox (Right)

Pro Career: 8yrs.

(Tale of the Tape of Masataka Taniguchi)

Wins: 16

Losses: 3

Draw: 0

KO’s: 11

KO%: 57.8%

Age: 28

Height: 5′ 4″

Reach: 64½″

Stance: Southpaw (Left)

Pro Career: 6yrs.

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
100 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post The World Bazaar Festival 2022: Believe in yoursELF
Next post Carlo Paalam wagi ng Gold Medal sa Asian Elite Boxing Championship
%d bloggers like this: