Ni Billy Zapa
Pormal nang inanunsyo ng KWORLD3 Boxing Promotions ni Daiki Kameda ang bigating buena mano na boxing event sa January 6, 2023. Back to back world championship at tatlong exciting na undercard matchup.
Sa ginanap na press conference kagabe November 11 Thursday Tokyo, Japan dito inihayag ng promotions ang kaabang-abang na boxing event nila para sa sunod na taon. Mapapanuod ito ng live sa ABEMA Tv official website at sa ABEMA APP.
Hiroki Fukushige 3-0-0 vs. Ryo Yabubuki 0-2-0 (4 Rounds Welterweight Division)
Ryoma Morimoto 2-1-0 vs. Hiroki Shibano 2-1-0 (4 Rounds Super Flyweight Division)
Mugicha Nakagawa 25-9-2 vs. Kenya Yamashita 14-6-0 (8 Rounds Featherweight Division).
Lalaban rin sa co-main event ang dating nakasagupa ni Pedro Taduran at Rene Mark Cuarto na kasalukuyang may hawak ng IBF Minimumweight world title na si Daniel Valladares kontra Japanese undefeated rising star Ginjiro Shigeoka.
Sa main-event naman ay lalaban ang pambato ng pilipinas ang dating world title contender na si Melvin Jerusalem kontra sa defending WBO World Minimumweight champion Masataka Taniguchi.
“Hello guys im Melvin Jerusalem i am a professional boxer came from the Philippines, i fight for the WBO world championship this coming January 6 in Japan. Kaya sana abangan niyo guys ang napapalapit kong laban this is my second time to fight a world championship, this is a big opportunity for me na makalaban ulit ng world championship sana hindi kayong magsawa na suportahan kaming boxer. Nagpapasalamat ako unang-una sa Panginoon for giving me opportunity at nagpapasalamat din ako sa aking manager, promoter Zip Sanman Jc Manangquil, coach Michael Domingo at lalong-lalo na sa aking pamilya maraming salamat sa inyo guys i will do all my best to bring here the belt in the Philippines, ingat palagi at God Bless!” – Melvin Jerusalem (official announcement) ###