Ready na ang Gilas kontra Saudi – K. Ravena hindi pa rin Kasali

Read Time:1 Minute, 30 Second

Ni Billy Zapa

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Dumating na ang Gilas Pilipinas sa Riyadh November 12 Sabado para sa kanilang 2nd game kontra sa may homecourt advantage na Saudi Arabia. Diretso kaagad sa ensayo ang koponan ng Pilipinas sa King Abdullah Sports City Stadium para mas mapaghandaan pa lalo ang laban 12:00 a.m November 14 na mapapanuod live sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, at Smart GigaPlay.

Kasalukuyang may record na 4-3 ang Gilas sa 5th-window Group E ng FIBA Asian Qualifiers, matatandaan na tinalo na ng Pilipinas ang bansang Saudi Arabia noong agusto sa pangunguna ni Jordan Clarkson 84-46 pero paalala ni coach Chot Reyes na ‘huwag tayong masyadong kumpyansa, kahit dominante ang pagkapanalo natin nakaraang 4th-window ay napakadelikado parin ng Saudi Team’, bago na ngayon ang kanilang head coach kaya syimpre bagong sistema iyan at may ilang players rin sila na bago so iyon ang paghahandaan natin ng husto’.

Samantala, walang pagbabago sa final 12-man lineup ng Gilas na maglalaro kontra Saudi Arabia kaya mananatiling reserbang player pa rin si Thirdy Ravena. Isa pang inaalala ni coach Chot ang mga turnovers nila sa nakaraang game at pangalawa ay ma-improve ang kanilang free throws.

Inaasahang bibida pa rin ang mga nakakagulat na rebounds ni Scottie Thompson at muling aarangkada ang opensiba ni Kai Sotto na nagtala ng 16 points nakaraang laro kontra Jordan.

(Gilas 5th Window Final Lineup against Saudi Arabia)

Kai Sotto – C / 7’2″

Ange Kouame – C / 6’11”

Japeth Aguilar – PF;C / 6’9″

Poy Erram – PF;C / 6’8″

Kevin Quiambao – PF / 6’7″

Jamie Malonzo – SF;PF / 6’7″

Calvin Oftana – SF;PF / 6’5″

Bobby Ray Parks – SG;SF / 6’4″

Dwight Ramos – SG;SF / 6’4″

Thirdy Ravena – SG;SF / 6’3″

Cj Perez – PG;SG / 6’2″

RR Pogoy – SG / 6’2″

Scottie Thompson – PG;SG / 6’1″

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Carlo Paalam wagi ng Gold Medal sa Asian Elite Boxing Championship
Next post Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: