Ni Billy Zapa
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Naubusan nang bala ang koponan ng Saudi Arabia sa kanilang pangalawang pagtutuos kontra sa Gilas Pilipinas December 14-Lunes na ginanap sa King Abdullah Sports City Stadium, panalo ang Gilas sa iskor na 76-63 narito ang buong highlights ng laro;
Sa 1st quarter ay unang nakapontos ang gilas sa isang dunk ni Kai Sotto at jumper ni Japeth Aguilar. Bumawi naman si Sotto sa kanyang extra pass kay Thompson pasok ang layup nito na may kasama pang foul at nakashoot din ng pullup jumper si Dwight Ramos. Balak sindakin ng Saudi ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang pressure na depensa, penetration na atake at mabilisang opensa pero hindi nagpatinag ang gilas sa pamamagitan ng shot block ni Sotto sa ilalim at ang nakakamanghang rebounding ability ni Thompson. Balik sa run & gun transition ang koponan ng Saudi kaya ipinasok na ni coach Chot sina Perez, Jamie Malonzo, Ray Parks at Ange Kouame para tapatan ang bilis ng kalaban dahil diyan ay unti-unti ng nagmimintis ang mga tira sa labas at loob ng Saudi team. Isang highlight reel sana ang nagawa ni Malonzo kaso saktong nasapal nga ni Al Marwani ang dunk nito nagtapos ang 1st quarter na tabla ang score 16-16.
Sa 2nd quarter balik opensa sa loob ang koponan ng Saudi mapapansin na medyo nagiging pisikalan na ang laro. Bakbakan ng dalawang bigman sa pagitan nina Kouame at Marwani, muling sumiklab ang depensa ni Sotto sa ilalim, umarangkada na rin ang mga nakaw bola at signaturang step back jumper ni Parks. Nagsimulang lumiyab na rin si Pogoy at naka-iskor si Ramos ng kanyang pangalawang 3-points sa laro, sinabayan ng Saudi ang maiinit na shooting ng Gilas pero hindi na pumapasok ang kanilang mga tira kaya natapos ang 2nd quarter lamang ng anim ang Gilas 31-25.
Sa 3rd quarter mas lalong nag-improve na ang shooting percentage ng Gilas dahil yan sa mga assist at rebounds ni Thompson. Maganda na rin ang ikot ng bola at ang depensa para sa Pilipinas dahil diyan ilang beses naka-iskor si Pogoy ng corner 3’s. Scoreless parin ang Saudi 7:34 ng laro. at tuloyan ng inalat ang opensa ng mga Saudi players. Minamalas na ang scorer nilang si Al Marwani hindi na rin nakapagpasikat ang 19-year old rising star nila na si Hazim Aljohar.
Final quarter, tuloyan ng nahirapan ang koponan ng Saudi para depensahan ang mga setup plays ni Cj Perez, hataw din sina Aguilar at Kouame sa depensa habang si Sotto ay patuloy na nakakagawa ng mga easy dunks. Natapos ang laro panalo Gilas Pilipinas 76-63.
Top scorer of the game ay si Pogoy-13, Ramos-13, Sotto-11, habang sa Saudi naman Almarwani-19, Abdel Gabar-16 at Almarwani-8.