Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina

Read Time:1 Minute, 23 Second

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang impluwensya (global influence) para pigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

 

Bunsod nang mga pangambahing dulot ng hindi pagkakaunawaan o conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa mga presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

 

Dito sa Pilipinas, umabot sa 7.7% ang inflation noong Oktubre, ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon, habang nananatiling nakataas ang presyo ng mga pangunahing pagkain dahil sa mga hamon sa suplay na dala ng external pressures gaya ng digmaan ng Russia at Ukraine at ang paghagupit ng bagyong Karding.

 

“We appeal as well to the United States to use its global influence to help ease the current global plight of rising fuel prices that we all have to deal with. We also encourage the US’ long-term support for the implementation of the ASEAN Plan of Action on Energy Cooperation,” pahayag ni Marcos sa ginanap na ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

 

Hinimok din ni Marcos na suportahan ng US ang pakikipaglaban sa climate change at maprotektahan ang kalikasan.

 

“We also appeal for the US’ support for the work of the ASEAN Center for Biodiversity. The Center preserves ASEAN’s varied ecosystems and mainstreams biodiversity across relevant sectors. This is to increase resilience against climate change, its impacts, and natural disasters,” dagdag pa niya.

 

“Furthermore, its work is critical in mitigating emerging and re-emerging infectious zoonotic diseases and pandemics.” ani Marcos.

Samantala, naroroon din si President Joe Biden sa ginanap na pagpupulong. #RBM 

[Photo: businessworld]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Ready na ang Gilas kontra Saudi – K. Ravena hindi pa rin Kasali
Next post DTI Chief Fred Pascual Invites German Investors to the Philippines 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: