Ni Billy Zapa
Tagumpay ang dalawang Dubai-based Filipino Boxers na sina KJ “The Ipugo” Natuplag at Joepher ”El Gwapito” Montano kontra sa kani-kanilang laban kontra sa mga banyagang katunggali noong Sabado December 12, 2022 na ginanap sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa co-main event na matchup tinalo ng tubong Bago City, Negros na si Montano ang Indianong boksingerong si Kulbir Dhaka via round 9 t.k.o para masungkit ang bakanteng WBO Oriental Welterweight title at nanatili pa ring Asian Boxing Federation Super Lightweight Champion. Dahil sa sunod-sunod na 3rd-straight knockout victories sa karera ni Montano ay target ng kanyang kampo na makalaban ang ilang top contenders na boksingero sa buong mundo sa 140 lbs. o 147 lbs. division.
Samantala inabangan naman ng buong pinoy boxing fans ang main event na bakbakan ni Kj Natuplag kontra sa pambato ng Thailand Boonrueang Phayom. Maagang natapos ang laban bagsak agad sa round 2 ang Thai boxer, si Natuplag na ang bagong unified WBO Oriental Featherweight Champion at WBC Asian Boxing Council Featherweight Champion. Narito ang ekslusibong panayam ng Digital Milenyo News sa pride ng Lagawe, Ifugao boxer.
– pahayag ni Kj Natuplag
“Ang sarap ng pakiramdam, hindi ko akalain na mapatumba ko siya (Phayom) dahil malalakas din suntok niya pero hindi ko lang pinapahalata kasi kapag nasilat niya na nasasaktan ako sa mga punches niya ay baka tataas ang kanyang kumpiyansa na makipagsabayan sa akin”
“Syimpre andun yong kaba ko sa laban kasi knockout artist ang kalaban pero malakas parin ang dugong pinoy lumalaban tayo kahit gaano man kahirap. Bentaha nga sa kalaban kasi maraming full fights ko na alam ko napanuod niya sa youtube na pinag-aralan nila ang istilo ko lamang talaga siya kaya lugi talaga kami isang laban niya lang ang napanood ko online tsaka taong 2016 yata iyon halos matagal na nahirapan kaming paghandaan siya kaya dobleng pag-iingat ang ginawa ko para maiwasang matamaan ng solido sa unang round pa lamang” ###