Gwardiya sa Gabi at Inoperahan pala dati sa Baga

Read Time:4 Minute, 19 Second

Ni Billy Zapa

November 5, 2022 ginulat ni John Lawrence Ordonio a.k.a “The Equalizer” ang buong boxing community nang talunin niya ang undefeated high prospect na si Majid Al Naqbi, ginanap ang laban sa Etihad Arena, Abu Dhabi, United Arab Emirates undercard sa Bivol vs. Ramirez Light Heavyweight world championship.

Panalo si Ordonio via unanimous decision (judges: Mike Hayel 37-39, Gary Kitanoski 36-40, Juan Carlos Pelayo 36-40). Dahil sa malaking upset na panalo ni Ordonio ay maraming boxing fans ang kanyang napahanga narito ang espesyal na panayam ng Diyaryo Milenyo News sa bagong iniidolong boksingero ngayon ng mga pinoy.

(Q1:) Patungkol sa last fight mo sa Dubai, pwede mo ba maikwento kung ano ang nangyari, sa anong rounds mo nalaman na kayang kaya mo pala ang kalaban?

(Sagot ni Ordonio:) Basta sinunod ko na lang po yong gameplan na gusto ko po na i-pressure siya kasi ang nakasaad sa unang kontrata na pinirmahan ko nakalagay doon na 6-rounds dapat ang laban namin sir kaso binago nila, ginawang 4-rounds nalang kaya naisipan ko po na ipressure siya sir dahil napanuod ko po ang mga previous fights niya, medyo slugger po sya at naka-steady lang ang fighting style. Pinag-aralan po ng mabuti ni sir Art Monis at ng coach ko ang kalaban kaya sinunod ko lang po lahat ang sinabi nila sa akin.

(Q2:) Diba kapag dayo ang Pinoy sa ibang bansa kailangan talagang patulogin ang kalaban, ini-expect mo ba na manalo ka sa laban?

(Ordonio:) Hindi ko po inexpect na mananalo ako sir at hindi ko rin inaasahan na ganon po yong maipapakita ko sa laban kasi sa totoo lang wala akong mabuting insayo dahil sa nagdu-duty po ako bilang security guard ng isang facility sa San Fernando City, La Union, government employee po kasi ako, tapos ang time of duty ko ay 11:00 pm ng gabi hanggang 8:00 am ng umaga. Kaya pag-uwi kinabukasan sa bahay medyo pagod at puyat na, parang tinatamad na rin ang katawan magtraining kaya minsan mas pinili ko nalang magpahinga dahil ang morning training napaka-importante sa isang atleta at sa hapon puro sparring na bugbogan. Minsan nalang po ako makapag-insayo walang masyadong preparasyon sa laban pero kinuha ko nalang ang tamang timbang kasi iyan po ang mahigpit na kalaban ng isang boxer.

(Q3:) Ano ang masasabi mo na dahil sa malaking panalo mo sa Dubai ay dumami bigla ang mga umiidolo sayo?

(Ordonio) Sobrang gulat at saya ko po dahil sa narinig ko sa ring announcer na ako ang nanalo via unanimous decision sa undefeated high prospect ng Dubai, kaya napakalaking pasasalamat ko sa panginoon na hindi niya ako pinabayaan sa laban at binigyan niya ako ng lakas.

Q4: May pasasalamatan ka o may gusto kang sabihin sa iyong mga supporters/fans?(Ordonio:) Marami po akong gustong pasalamatan sir, unang-una nagpapasalamat ako sa mga tumotulong sa akin. Cong. Paolo Francisco Ortega, Konsehal Pablo Ortega, Vice Gov. Mario Eduardo Ortega, Mayor Dong Hermenegildo Gualberto, Sir Manex Purruganan, sir Art Monis, Ma’am Vilma Acosta, HardStone Boxing Stable at HardStone Boxing Gym Bangar, La Union. Sa mga teammates ko sa especially sa family ko at sa asawa’ anak ko.

Pride of Brgy Ilocanos Sur City of San Fernando La Union, Proud to be pride of La Union.

(Q5:) Personal na tanong, pwede ba malaman kung ano ang sanhi ng peklat sa kaliwang dibdib mo?

(Ordonio:) Kasi po noong nasa stable pa ako ni sir Art sa manila mahilig po ako sa malamig at magpahinga palagi na basa sa pawis tsaka nakatutok sa akin ang electric fan, mahilig din akong magbabad sa tubig pagkatapos ng training. Kaya noong March 18, 2017 sa laban ko, kaya pala hindi na ako masyado maka-concentrate may symptoms na pala na may tubig ang aking baga pero pagkatapos ng fight hindi pa po namin alam na ganon na pala kalala yong karamdaman ko akala ko kasi noon sabi ng doctor sa akin baka muscle pain lang kasi kagagaling kolang sa isang bakbakan normal lang daw iyon at baka raw gusto lang ng katawan ko makarelax. Makalipas ang 2 weeks parang lumala pa lalo hindi na ako makahinga ng maayos kaya naisipan namin na magpa-xray. April 2017 lumabas sa resulta, nalaman ko po na marami na pala akong tubig sa baga kaya sabi ng doctor mag-undergo ako sa minor-operation daw, bubutasan tagiliran ng aking katawan. Nagdasal po ako sa panginoon para humingi ng tulong. Naging successful naman po ang operation pero kalaunan sinabi ng doctor sa akin na kailangan nanaman daw nila ako ma-xray kung talagang clear na raw talaga ang aking baga. Pagkatapos ng panibagong xray may nakita silang natitirang tubig sa loob na parang mga plema na namumuo sa loob. Muling kinausap ako ng Doktor na another operation raw ulit, doon nila tinanggal ang mga mala-plema sa aking baga at naging successful po ulit ang operasyon. Hanggang sa nakalabas na ako sa hospital nagpahinga ako ng ilang taon sa boxing hangang sa nakabalik ako taong 2019. Unang comeback fight ko February 8 sa black Cobra promotion panalo ako kontra Marlon Arcillia via majority decision. ###

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
50 %
Excited
Excited
50 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area (AANZFTA) upgrade negotiations substantially concluded 
Next post Personal Remittances Rise by 4.0 Percent YoY in September 2022; First Three Quarters Level Reaches US$26.5 Billion
%d bloggers like this: