5-Filipino MMA Fighters Mapapalaban sa Australia

Read Time:1 Minute, 9 Second

Ni Billy Zapa

Dumating na sa Australia ang pambato ng Pilipinas na si Ariane “The Pasenyoso” Fantilanan 2-2-0 para sa kanyang Bantamweight Showdown kontra sa Australian fighter Sean Gauci 6-1-0.

Dati ng lumaban si Fantilanan sa Indonesia at ang kanyang huling dalawang panalong laban ay ginanap dito sa Pilipinas, July 21, 2019 vs. Jake Baylon via unanimous decision at July 30, 2022 vs. Joy Damacio via unanimous decision.

Dire-diretso na sana ang mga laban ni Fantilanan abroad kaso dahil sa pandemya ay namalagi muna si Fantilanan sa Iloilo at umuwi sa Passi City kung saan nakatira ang kanyang pamilya. Kahit noong kasagsagan ng lockdown ay patuloy ang training ni Fantilanan at kalaunan bumalik na ito sa Maynila para magtrabaho bilang trainer sa ProFitness Gym.

Sa co-main event naman lalaban si “T-Rex” REX DE LARA (7-8-1) kontra Raja Shippen (19-12-1). Sa undercard sasabak rin ang apat pang Filipino fighters, Ernie Braca (4-4-0) vs. Semakadde Kakembo (3-1-0), Luke Catubig (8-11-1) vs. Joshua Riley (4-5-0), Ralf Francisco (2-2-0) vs. Josh

Grove (2-0-0), Mary Jane Buna (4-1-0) vs. Lisa Kyriacou (3-1-0).

Ang HFS HEX FIGHT SERIES 24 ay gaganapin sa Melbourne Pavilion, Kensington, Victoria, Australia November 18, 2022 at mapapanuod live sa Hex Fight Series.com official website. ###

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%
Previous post Gerald Anderson maglalaro muli sa Chooks 3×3
Next post Vhong Navarro, ililipat sa Taguig City Jail
%d bloggers like this: