
Gerald Anderson maglalaro muli sa Chooks 3×3
Ni Billy Zapa
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Balik basketball ang actor na si Gerald Anderson para Chooks-to-Go Quest 2.0 3×3 Tournament na gaganapin sa Ayala Malls Solenad Sabado, November 20, 2022.
Maglalaro si Anderson bilang star player sa koponan ng ππ°π΅π°ππ’π― ππ’πΊπ’π΅πͺ, makakasama niya ang dalawa pang artista na sina JV Kapunan (RnB artist Young JV) at Joe Vargas (Star Magic).
Magiging ka-teammate rin ni Aderson ang last seasonβs leading rebounder sa UAAP ang 6-foot-7 Nigerian Emman Ojuola na mula sa FEU Tamaraws.
Pansamantalang nahinto sa pagbabasketball ang “Action-Drama Prince” dahil sa sunod-sunod na proyekto nito sa showbiz. βInit sa Magdamagβ(Yam Concepcion), at kakatapos lamang na serye ng βA Family Affairβ (Ivana Alawi).
May 2018 unang sumabak si Anderson bilang player ng Marikina Shoemasters sa liga ng MPBL at sa kaparehong koponan ay naglaro rin si Anderson sa 2019 President’s Cup Chooks-to-Go Pilipinas 3×3. Sumunod na season ay lumipat ito Imus Bandera Team at December 2021 ay dream come true para kay Anderson na makapaglaro sa kanyang hometown na GenSan Warriors.
Suportado pa rin si Gerald Anderson ng kanyang longtime showbiz girlfriend Julia Barreto sa kanyang career sa basketball, matatandaan na present palagi ang aktres sa venue para mapanuod live ang kanyang boyfriend.
Mapapanuod live action online ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 sa Chooks-to-Go Pilipinas Facebook page o aa youtube channel ng Fiba 3×3.
(Gerald Anderson Basketball Profile)
Position: Point Guard
Height: 5′ 11″
Playing career: 2018βpresent
2018β2019 Marikina Shoemasters; 2019β2021 Imus Bandera; 2021βpresent GenSan Warriors
2Γ MPBL All-Star (2019, 2020)