Vhong Navarro, ililipat sa Taguig City Jail

Read Time:31 Second

Nakatakdang ilipat sa Taguig City Jail ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa kinahaharap na kasong rape.

 

Sa nakalap na impormasyon ng Diyaryo Milenyo, sinabing ang paglipat kay Navarro ay alinsunod sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.

 

Sasailalim din ang aktor sa mga health protocol requirements bago ito ilipat.

 

Ayon sa NBI, inaayos pa ang mga dokumento para sa paglipat kay Navarro.

 

Samantala, kasalukuyang nakapiit si Navarro sa National Bureau of Investigation Detention Facility matapos siyang arestuhin dahil sa kinahaharap nitong kasong rape na inihain naman ng modelong si Deniece Cornejo. #RBM

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 5-Filipino MMA Fighters Mapapalaban sa Australia
Next post UP Aguman’s The Pautakan 2022 comes back on its path toward academic excellence
%d bloggers like this: