Bigatin na Boxing Event sa Vietnam, 5-Pinoy Boxers ang Lalaban

Read Time:2 Minute, 59 Second

Ni Billy Zapa

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Isang bigating boxing event ang handog ng VSP Promotions sa lahat ng boxing fans ngayong December 10, 2022 na gaganapin sa The Grand Ho Tram Resort, Vietnam.

“Inaanyayahan ko ang lahat ng mga solidong boxing fanatics na manuod live sa Elorde Tv Facebook Page sa December 10, sinisigurado ko na mag-eenjoy ang lahat. Suportahan ang mga kababayang boksingero natin na lalaban sa Vietnam, magbibigay sila ng karangalan sa ating bansa kaya sisikapin ng mga Elorde Fighters na manalo” – Cucuy Elorde said.

Lalaban dito bilang main-event si Arnel “The Silencer” Baconaje kontra sa defending IBF Asia Lightweight Champion at vietnamese boxer na si Dinh Hong Quan, ito ang resbak ni Baconaje sa kontrobersiyal na pagkatalo ng kanyang kastablement na si Jules Victoriano hulyo nitong taon lamang. Kasalukuyang on-training ngayon sa Japan si Baconaje bilang sparring partner ng japanese superstar Naoya Inoue.

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya, marami akong natutunan dito sa Japan kasama si Naoya Inoue, ready na si Inoue sa kanyang undisputed fight kay Butler, kaso hindi ko po pwedeng sabihin ang lahat kasi bawal nga sa amin ang magsalita ng mga aktwal na nangyari sa sparring, pero sinisigurado ko na mabibigyan ko ng magandang laban si Dinh Hong Quan sa December 10. Sana palarin akong manalo at mabitbit pauwi ang belt sa Pilipinas lalong-lalo na sa Elorde Southbox Parañaque tsaka siguro uuwi ako ng Iloilo after the fight, sana – sana maging mapalad tayo sa laban” – Arnel Baconaje said.

Kaabang-abang rin ang laban ni “Kings Warrior” Charly Suarez (13-0-0-7ko’s) kontra sa Indonesian best boxer Defry Palulu (25-2-2-14ko’s) 12-rounds para sa IBF Asia Super Featherweight Title. Ito ang unang laban abroad ni Suarez sa kanyang pro-career kaya maraming fans ang umaasa na isang impresibong performance ang kanyang ipapamalas sa gabe ng bakbakan.

Umaatikabong laban rin ang mapapanuod sa undercard; Thailand’s Anuson Thonglueang vs. Song Chanho (Korea’s Boxing Rising Star) 8-rounds WBO Oriental Youth Super Lightweight Championship, Indonesia’s Paisal Panjaitan vs. Vietnam’s Nguyen Van Hai 4-rounds Lightweight Showdown.

Sasabak rin ang tatlo pang pinoy boxers sa kani-kanilang exhibition matchup kontra sa mga vietnamese boxers (no pro record on the line) Jon Jon Estrada vs. Thai Hoang Huy, Mark John Yap vs. Phan Minh Quan at Jetro Pabustan vs. Le Hoang Hiep.

“Kahit exhibition lang ang magiging laban ko hindi parin ako nagpapabaya sa training ko, sa ngayon okay na ang kondisyon ko at gousto ko na magandang laban ang maipakita ko sa taas ng ring at maganda rin ito dahil sa 126 lbs. na timbang kami mag lalaban at nag papasalamat rin ako dahil nabigyan ako ng laban kahit exhibition lang masaya ako at lalo pa dadayo ako sa lugar ng maging kalaban ko, salamat po sir excited na akong makapagbigay ng kasiyahan sa mga pinoy boxing fans” – Jon Jon Estrada a.k.a Wolverine ng Pinoy Boxing

”FORTUNES OF WAR COMING TO VIETNAM mark your calendars, this is the biggest sports event in Vietnam this year, and the perfect end to the year if you are a fight fan! The Grand Ho Tram aims to become the boxing mecca, and have secured many of Asia’s best boxers for the “Fortunes of War” event. This iconic event, which is spearheaded by three titles fights, will be broadcast by WEBTHETHAO in Vietnam, and ELORDE TV and SOLAR SPORTS in the Philippines. – Robert Hill of VSP Promotions ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
50 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
50 %
Previous post Monetary Board Raises Policy Rate by 75 Basis Points
Next post Eva Ronda, Ikinasal na!

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d