Casimero – Tuloy na ang Laban sa South Korea!

Read Time:1 Minute, 45 Second

Ni Billy Zapa

Tuloy na tuloy na ang bakbakang John Riel Casimero vs. Ryo Akaho sa December 3, 2022 na gaganapin sa Paradise City Hotel, Incheon, South Korea.

Magtatagisan sina Casimero at Akaho para sa 10-rounds na suntukan ng 122 lbs. o Super Bantamweight division.

Inanunsyo na rin ng Treasure Boxing Promotions na siyang may hawak sa boxing event na ito ang dalawang bigating main bouts bilang undercard sa gabi ng bakbakan. Welterweight showdown ni Jin-su Kim vs. Hiroki Okada at ang co-main event Super Featherweight battle ni Johnny Gonzalez vs. Takuya Watanabe.

Kamakailan lang umuwi na ng Pilipinas si Casimero kasama ang kanyang head coach at kapatid na si Jayson Casimero. Dumiretso kaagad ang Team Quadro Alas sa isang hotel sa Pasay upang ipagpatuloy ang insayo. Inaasahang magiging malaking hamon ang laban na ito para sa karera ni Casimero, matatandaan na dalawang beses na hindi nakapaglaban si John Riel sa naka-eschedule na matchup niya kontra sa Briton na boksingerong si Paul Butler kaya tuluyan nang tinanggalan ng world title belt si Casimero ng World Boxing Organizations.

Huling lumaban ang dating WBO Bantamweight World Champion noong August 14, 2021 kontra sa legendary cuban boxer na si Guillermo Rigondeaux, matapos ang laban na yon ay kumalas na si Casimero sa MP Promotions dahil sa alitan sa hatian ng pera at lumipat sa bagong manager niya na si Egis Klimas. Simula noong ay maraming pinoy boxing fans ang duda na baka palubog na ang karera ni Casimero sa boxing dahil mahigit isang taon na itong hindi nakasampa sa ibabaw ng ring. Malaking problema rin daw ang disiplina sa pagkuha ng tamang timbang resulta sa paghadlang ng British Boxing Board kay Casimero na makaakyat ng lona sa laban niya sana kay Butler dahil yan sa ipinagbabawal na paggamit ng “Sauna”.

Sa kabila ng lahat ay marami pa ring solidong tagahanga ang binansagang ”Angas ng Pinas” na naniniwala na isang karakter lamang ito para mas lalong maging mabenta sa mga fans ang mga laban niya, patuloy na magbibigay ng karangalan sa ating bansa ang 3-division world champion John Riel Casimero. ###

Happy
Happy
100 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Virtual Assistance; A blooming industry in light of a Pandemic.
Next post Machu Picchu Hiking: Trek Routes Like The Inca Trail
%d bloggers like this: