
John Riel Casimero, Stop-over muna sa Thailand
Ni Billy Zapa
Hindi pa nakalapag ng South Korea si John Riel Casimero, kasalukuyang nasa Thailand pa ito ngayon para ipagpatuloy ang kanyang insayo para sa napapalapit na laban kontra Japanese boxer Ryo Akaho sa December 3, 2022 na gaganapin sa Paradise City Hotel, Incheon South Korea.
Sa isang video na pinost ng former WBO Bantamweight world champion sa kanyang social media account maraming fans ang naaliw sa reelz video ni Casimero kasama ang kanyang head coach/kapatid na si Jayson Casimero sa sikat na tugtogin ngayon na ‘Sabak ka diri’.
Tara na, Larga na ‘ta, oh Puno na ‘ta Larga na, Puno na day aton sabakon, Sabak ka diri… Sabak ka diri… (Sabak in Bisaya means – Kandong; Sabak ka diri – Kandong ka dito)
Stop over muna si John Riel Casimero para ipagpatuloy ang training sa Kombat Group Thailand Fitness Gym at focus na ito sa pagbawas ng timbang. Inaasahang isang linggo bago ang inaabangang bakbakan ay lilipad na ang Team Casimero sa South Korea. ##
Related
More Stories
Vhong Navarro, pinawalang-sala ng SC
IBINASURA ng Korte Suprema ang mga kasong kinakaharap ng aktor at TV host na si Vhong Navarro. Sa inilabas na...
TVJ, pwedeng mawala sa “Eat Bulaga” – Cristy Fermin
Maaaring mawala sa "Eat Bulaga" ang mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Ito...
MGA MONTALBEÑO WAGI SA POWERLIFTING
Ni Ella Luci Nakapagtala ng bagong national record ang Montalbeñong si Ivan Thorin Mantilla nitong Linggo sa Sibol 2023 Luzon...
JILLIAN WARD, IPINASILIP ANG GOWN SA DEBUT
Ipinasilip ni Kapuso actress Jillian Ward ang isa sa mga gown na isusuot niya sa kanyang nalalapit na debut sa...
TRANSPINAY QUEEN NA SI FUSCHIA ANNE RAVENA, SASABAK NA RIN SA MUPH?
Usap-usapan ngayon sa social media at pageant community ang umano’y pagsabak ni Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena para...
The DEAN OF PHIL MAGIC – LOU HILARIO
Ladies and gentlemen, meet the Dean of Philippine magic as we know it. Whenever Filipinos talk about magic, only one name...