US Vice President Harris, nasa ‘Pinas

Read Time:1 Minute, 28 Second

MANILA, Philippines — Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand.

Makikipagpulong ngayong Lunes, November 21 ang US vice president kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tugunan ang sitwasyon ng Taiwan gayundin ang iba pang mga usapin sa seguridad sa Asia-Pacific region na karapat-dapat para sa isang “joint response” ayon kay Marcos.

 

“I have always said that the relationship between the United States and the Philippines must continue to evolve, and it will be that,” pahayag ni Marcos sa ginanap na media roundtable matapos ang pakikipag-ugnayan nito sa APEC Summit sa Bagnkok, Thailand.

“When it comes to security and defense in the Asia-Pacific, it really has to be a joint response. I don’t think any single country should go about it alone. I think we will do much better if we respond as a group, and I think the other countries agree,” dagdag ng Pangulo.

 

Kaugnay nito, bibisita rin si Harris sa Palawan bukas, Martes (November 22, 2022) para sa isang briefing tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa pinagtatalunang WPS (South China Sea).

 

Si Harris ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng US na makakatapak doon.

 

Sa mahabang panahon na pakikiisa ng gobyernong US, pinatutunayan lamang nila ang kanilang pagpapatibay ng relasyon ng ating bansa na tuparin ang kanilang pangako para sa kaayusan ng Pilipinas bunsod ng pinag-aagawang teritoryo base na rin sa mutual defense treaty ng dalawang bansa.

Samantala, plano rin ni Harris na makipagpulong kay VP Sara Duterte upang bigyang daan ang mga kinahaharap na usapin patungkol sa war-on-drugs na ang karamihan ay mahihirap ang nasawi sa nakaraang administrasyon na iniakyat naman sa International Criminal Court.  #RBM

 

[Photo credit: The Manila Times]

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %
Previous post S&P AFFIRMS PHIL ‘BBB+/A-2’ SOVEREIGN CREDIT RATINGS, STABLE OUTLOOK
Next post South Korea-based church holds graduation ceremony for over 100,000 Bible students, the largest in the world
%d bloggers like this: