
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Read Time:1 Minute, 0 Second
Ni Sid Samaniego
ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na sana sa opisina ang law student ng Arellano University na si Lei Miranda nang matuklasan niyang nawawala ang personal niyang cellphone.
Inisip niyang baka naiwan lang sa sinakyan nitong pedicab, kaya agad niya ito binalikan. Subalit walang nakita tulad ng inaakala.
Laking gulat na lamang ng law student ng sadyain siya mismo ng isang street sweeper na si Lolo Alberto Palmes, 72 taong gulang. At isinauli ang celpon na may modelong Huawei Nova 2Lite.
Ayon kay Palmes, ganap na alas-7:30 ng umaga ng Miyekules [November 23], ng mapulot niya ang cellphone sa kalsada.
“Hindi ko pag-aari ang celpon na yan, normal lang na isauli ko ito sa tunay na may-ari. Alam ko, hinahanap na niya ito”, kwento ni Palmes.
Nang mag-ring ang cellphone ay agad diumanong sinagot ni Palmes ang tawag. At dito nga ay natuklasan niya ang tunay na may-ari ng celpon. Kaya agad niya itong sinadya sa opisina.
Nag-abot ng pinansyal na pabuya ang law student bilang gantimpala sa ginawang kabutihan ng street sweeper. ##
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.