Read Time:1 Minute, 1 Second

Ni Sid Samaniego

ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada.

Ikinatuwa higit ng mga bata ang eksenang ito kahapon ganap na alas-2:39 ng hapon lalo na’t bibihira ang ganitong pagkakataon.

Sa kuhang bidyo ni Chung Dela Cruz Ubas, makikita ang 15 baka na naglalakad na pumukaw ng atensyon ng tao sa kahabaan ng Kalye Marseilla Brgy. Poblacion ng bayan na ito.

Ayon sa may-ari ng bidyo na si Chung, katatapos lang diumano niyang mamili ng oras na iyon sa isang convinient store nang makita niya ang mga baka na nagdulot ng banayad na trapik.

 

“Sa totoo lang, natuwa at naexcite ako ng makita ko sila. Kasi hindi naman din madalas akong nakakakita ng baka at lalo pa nga’t sa kalsada na tila nagpaparada pa. Ang cute nila, saan sila punta”, kwento ni Chung.

Samantala, nang makarating ang pangyayari sa Rosario Traffic Management Office sa pamumuno ni Fernan Garcia, agad nilang itinaboy pabalik sa kanilang kural ang naturang mga baka.

Napag-alamang nakawala pala ang mga baka sa kanilang kural kaya napadpad sa kalsada na pagmamay-ari ng isang pribadong indibidwal. ##

Watch this; 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
Next post DTI 12, recognized by DSWD as its outstanding regional partner in Region 12

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: