
VP Sara, viral sa kanyang suot na crop top
Nag-viral ang mga larawan ni Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang pagsuot ng crop top para sa Christmas Party na kanyang dinaluhan.
Aniya, napagdesisyunan ni VP Duterte na sumuot ng crop top dahil na rin sa tema ng naturang selebrasyon kahit na iniisip nito ang pagiging public servant niya para sa bayan.
“Sa totoo lang nahirapan talaga ako maghanap ng Coachella outfit that will comply to the dress protocol of public servants attending events- no sleeveless, no plunging, no shorts….but I wanted to be on the theme,” saad ni VP Duterte sa kanyang mga kasamahan.
“Christmas is the time for love, forgiveness and sharing…Hindi importante na hindi malaki o magarbo ang ating celebration ng Pasko. Ang importante po ay masaya tayo at masaya ang ating mga mahal sa buhay at ating pamilya…” dagdag ng Bise.
Coachella-themed ang tema ng naturang Christmas party na dinaluhan ni VP Duterte na agad namang napuna ng mga netizen. Samu’t saring reaksyon ang ibinahagi ng mga netizen dahil kakaiba sa paningin ang nakitang VP Sara sa publiko.
[Photo credit to owner]