
815 na Sink Hole sa Boracay, Pinangangambahan
Read Time:53 Second
“Nakaka-alarma”
Ito ang pagsasalarawan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron matapos makitaan ng 815 na sink hole sa isla ng Boracay.
Inilabas ng Mines Geosciences Bureau (MGB 6) ang balitang ito nitong nakaraang araw sa ginanap na media forum.
Ayon kay Pagsuguiron, ipapatawag nito ang opisina ng MGB 6 at ang DENR para maipaliwanag kung ano nga ba itong nakita nilang sink hole sa Boracay.
Nagbigay naman ng pahayag si Sangguniang Bayan Member Alan Palma Sr., na wala sa “timing” ang balitang ito lalo na ngayong magpapasko kung saan dagsa ang mga turistang nagbabakasyon sa naturang isla.
Pahayag naman ni Sangguniang Bayan Member Vicky Salem na walang koneksyon ang carrying capacity ng mga bisita sa isla kaugnay sa sink hole na nakita sa tatlong Barangay dito.
Pinangangambahan na baka ito ay magdulot ng pagguho o pag-collapse ng lupa na maaring makasira ng mga kabahayan at mga gusaling kinatatayuan nito.
Sa inilabas na carrying capacity ng LGU Malay, mayroong lamang na 6,085 ang maaaring tanggapin na bisita kada araw sa nasabing isla.
Source: YesTheBestBoracayNEWS
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.