4 Drug Suspek, Timbog sa Pasay City

Read Time:1 Minute, 11 Second

PASAY CITY — Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang drug-bust operation ng mga miyembro ng Southern Police District Special Operation Unit (DSOU) nitong Miyerkules, Enero 4, 2023.

 

Nakumpiska ng mga otoridad ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000; isang plastic sachet na naglalaman ng 10 hinihinalang ecstasy capsule na nagkakahalaga ng P16,800, at high grade marijuana (kush) na humigit-kumulang 180.1 gramo na nagkakahalaga ng P252,014.

 

Ayon kay Col. Byron Tabernilla, hepe ng pulisya sa lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Dzun Robe May, 26; Lorenzo Lagumbay, 26; Alyssa Cacellar Eden, 23; at Jobert Lorenzo Almenario, 27.

 

Sinabi ni Tabernilla na naaresto ang mga suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Amazing Show, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

 

Nakipag-ugnayan naman ang mga miyembro ng SPD-DSOU sa mga miyembro ng Pasay City police Sub-Station 1 sa pagsasagawa ng drug buy-bust operation para sa pag-aresto sa mga suspek.

 

Narekober din ng kapulisan sa mga suspek ang P500 buy-bust money; isang puting Mitsubishi Mirage na may plate number NFU 9200, at isang pulang Toyota Vios na may plate number na ABT5344.

 

Sa kasalukuyan, nakakulong na ang mga suspek sa custodial facility ng SPD Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) at sinampahan ng kasong illegal possesion of drugs. ##

 

Source: Balita.net.ph

File Photo: Remate

 

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post JOB FINDER
Next post DTI ends 2022 with MTE raking in multi-million sales  
%d bloggers like this: