Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas

Read Time:2 Minute, 16 Second

Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng mahigit 21,000 metric tons na mga imported na sibuyas sa kautusan na rin ni Pangulong Ferndinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dahil sa mura ang presyo nito.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

 

Ikinalulungkot ng mga magsasaka ng sibuyas na malulugi ang kanilang mga pananim sa oras na anihin na nila ang mga sibuyas sa huling linggo ng Enero at talaga namang sasabay ito sa pamilihan na maaaring hindi na bilhin ng karamihan dahil sa mahal na presyo ng sibuyas sa ating bansa.

 

Ayon sa interbyu na nakalap mula sa TeleRadyo BALITA, sinabi ni Ka Gerry Flor, isang magsasaka ng sibuyas mula sa Maburao, Occidental Mindoro na makikipagsapalaran na naman sila sa ani dahil sa ngayon ang presyo ng sibuyas ay mahal at dito nila malalaman kung ano ang magiging katayuan nila sa kanilang mga nagtatanim ng sibuyas.

 

Nangangamba rin ang mga taga Occidental Mindoro na tila mauulit na naman ang nangyari sa nakaraang taon na halos ipamigay na lang nila ang mga inaning sibuyas. Kaya panawagan ni Gzel Babela, magsasaka ng sibuyas sa San Jose, Occidental Mindoro na huwag na lang mag-import sapagkat kaunting buwan o linggo na lang ang aantayin, makakaani na ng sibuyas sa bansa.

 

Sinabi naman ni Luchie Ceña, Manager, Valiant Cooperative sa Nueva Ecija na hindi talaga napapanahon ang pag-import ng sibuyas. Walang masama na mag-import basta hindi panahon ng anihan.

 

Aniya, dapat ay nag-import ang DA sa kasagsagan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sa bansa noong November at October na ang kakulangan ay tumama nitong Disyembre. Tila na ‘wrong decision’ umano ang DA dahil hindi nila ito nakita na wala naman inaaning sibuyas ang mga magsasaka sa panahon ng November o December.

 

Nanawagan din si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, na ipaubaya na sa mga lokal na magsasaka ang pagsuplay ng sibuyas sa ating bansa. Hiling din nito na magtalaga na ng permanenteng DA Secretary at dapat na itong bitawan ni Pang. Marcos na kasalukuyang DA Secretary.

 

Hinimok din Sen. Risa Hontiveros ang DA na dagdagan ang kanilang suporta sa mga onion growers sa pamamagitan ng pagpapalakas sa tulong ng pamahalaan sa irigasyon at “co-financing” para sa mas maraming cold storage facilities.

 

Nitong nakaraan lamang ay nagtrending ang isang OFW mula HongKong na nagdala ng sibuyas at ilang piraso ng bawang pag-uwi dito sa Pilipinas dahil sa sobrang mahal ng presyo nito sa ating bansa.

 

Samantala, tumaas naman ang presyo ng bigas sa bansa na nadagdagan ng piso (P1.00) kada kilo sa lahat ng commercial rice. Sinabi naman ng spokesperson ng DA na hindi raw matutulad ang presyo ng bigas gaya ng sibuyas. #RBM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI tightens noose on nearly P.5M uncertified consumer products in QC 
Next post DSWD helps facilitate release of funds for social welfare programs in BARMM 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: